Itigil na ang pamumuhunan sa maduming enerhiya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,848 total views

Nanawagan ang mga environmental, labor, at human rights group sa mga pamahalaan ng mayayamang bansa na pagtuunan ang mga krisis na nakakaapekto sa kalikasan at ekonomiya ng buong mundo.

Kaugnay ito sa ginanap na Peoples’ Climate Strike na pinamagatang Asian Day of Action for Climate and Economic Justice sa Liwasang Aurora sa Quezon City Memorial Circle nitong Nobyemre 16, 2022.

Ayon kay No Burn Pilipinas senior program officer Glenn Ymata, masyado nang umiikli ang panahon lalo na ng mga mayayamang bansa sa paglikha ng mga desisyong naaangkop upang mapigilan ang lumalalang krisis sa kapaligiran.

Ipinaliwanag ni Ymata na ito’y dahil na rin sa patuloy na pagsuporta at pamumuhunan ng mga bansa sa maruming enerhiya at proyektong nakadaragdag sa pagbabago ng klima at kahirapan sa mamamayan.

“Sa sistema ng ating ekonomiya kung saan ang mas may pera ay siyang nagkakaroon ng oportunidad para yumaman at umunlad, samantalang ang mga mahihirap bukod sa sila na ang nakakaramdam ng higit na epekto ng krisis sa klima, sila pa ‘yung bumibitbit ng pasan sa matataas na buwis,” pahayag ni Ymata sa panayam ng Radio Veritas.

Panawagan naman ng opisyal sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na pagtuunan ang pakikinig sa mga hinaing ng mahihirap na mamamayan at lumikha ng mga batas na magpapahalaga sa karapatan ng nakararami.

Iginiit din ni Ymata ang pagsasaayos sa sistema ng pagbubuwis upang matulungan ang mga mahihirap na maibsan ang mga pasanin sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Ang Peoples’ Climate Strike ay pinangunahan ng Asian Peoples’ Movement on Debt and Development, katuwang ang Philippine Movement for Climate Justice, Bukluran ng Manggagawang Pilipino, Laudato Si’ Movement Pilipinas, Conference of Major Superiors in the Philippines, at iba pang grupo at organisasyon.

Kasabay nito ang isinasagawang United Nations Climate Change Conference of Parties o COP27 Summit sa Sharm El Sheikh, Egypt at G20 Summit sa Bali, Indonesia.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 74,215 total views

 74,215 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 74,215 total views

 74,215 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 74,215 total views

 74,215 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 71,932 total views

 71,932 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 65,747 total views

 65,747 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top