Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Itotokhang ang krisis pangkalusugan?

SHARE THE TRUTH

 342 total views

Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring itinatalaga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr na kalihim ng Department of Health (o DOH).

Sa isang pahayag halos dalawang linggo na ang nakaraan, sinabi niyang mag-a-appoint lamang siya ng DOH secretary kapag bumalik na sa normal ang kalagayan ng bansa sa gitna ng krisis-pangkalusugan na dala ng COVID-19 pandemic. Gusto raw niyang maunawaan ng publikong dapat “i-normalize… ang trabaho ng gobyerno” dahil hindi naman lahat ng nangyayari ay maituturing na krisis. Tinitiyak daw ng pangulong magagampanan ng gobyerno ang trabaho nito nang walang gulo.

Pero hindi ba’t mas kailangan ngang magkaroon ng malinaw na direksyon ang isang departamentong katulad ng DOH dahil malaki pa rin ang problemang kinakaharap natin sa sektor ng kalusugan? Hindi pa rin tapos ang pandemya. Marami pa rin ang nahahawa at may mga pagkamatay na naiwasan sana. Kailangan natin ng mga dalubhasa sa DOH, mga ekspertong nagtutulungan upang tuluyang makabalik sa normal ang ating buhay.

Kaya naman, palaisipan kung bakit isang dating pulis ang itinalaga ni PBBM bilang undersecretary ng DOH. Siya ang dating hepe ng Philippine National Police na si Camilo Cascolan. Kilala si Usec Cascolan bilang malapít na kaibigan ng noon ay PNP Chief at ngayon ay Senador Ronald “Bato” dela Rosa. Sila ang itinuturing na arkitekto ng Oplan Double Barrel, ang pangunahing balangkas para sa pagpapatupad ng “war on drugs” ng dating administrasyong Duterte.

Interesado tayong malaman kung anu-ano ang gagawin ng isang dating pulis sa posisyong ipinagkatiwala sa kanya. May mga nagdududa sa kanyang kakayahan, at hindi ito maiiwasan dahil ibang larangan ang kalusugan sa pagpapanatili ng kaayusan at pagsugpo sa krimen. Magkakaroon din ba ng mala-tokhang na programa ang DOH? Tandaan nating hanggang katapusan pa ng taóng ito ang state of calamity dahil na rin sa COVID-19, at ibig nitong sabihin, matindi pa rin ang problemang dala ng COVID-19 at kailangan na kailangan ang agaran at maayos na pagtugon.

Binibigyang-diin sa Pacem in Terris, isang Catholic social teaching, na ang pangunahing tungkulin ng anumang pampublikong awtoridad ay ang pagtatanggol sa mga karapatan ng mga tao—kabilang ang karapatang magkaroon ng maayos na kalusugan. At gaya sa anumang larangan, mahalagang marunong at mahusay ang mga taong napiling maglingkod sa pamahalaan upang magampanan ang kanilang tungkulin at tunay na matugunan ang pangangailangan ng mamamayan. Sa krisis na kinakaharap natin ngayon—hindi lamang sa usaping pangkalusugan kundi sa kalagayan ng ating ekonomiya—importanteng ginagabayan tayo ng mga taong may karanasan, husay, at integridad. Nakalulungkot na naging kalakaran na sa ating pamahalaan ang pagpili ng mga lingkod-bayan batay sa kanilang kaugnayan sa mga nakaupo—mga kamag-anak, kaibigan, kasosyo, at kakilala.

Malayo pa nga talaga ang tatahakin ng Pilipinas upang maging tunay na propesyunal ang ating burukrasya. Sa mga pamantayan nga ng World Bank, ang pagkakaroon ng tinatawag na professionalized bureaucracy ay mahalaga upang maging epektibo ang mga ginagawa ng pamahalaan. Itinataas nito ang kalidad ng serbisyo-publiko dahil hindi ito nagpapa-impluwensiya sa pamumulitika, nagagamit sa tama ang pondo ng bayan, at tunay itong nakatuon sa kapakanan ng mga mamamayan, hindi ang mga pabor o ganansya para sa iilan. Hindi lang sana pangarap para sa ating mga Pilipino ang magkaroon at makaranas ng ganitong uri ng pamamahala.

Kaya nga mga Kapanalig, kung tiwala tayong ang ibinoto ng nakararaming Pilipino ay ang mga taong may kakayahan, mapagkakatiwalaan, at ‘di masusuhulan—katulad nga ng ipinapaalala sa atin sa Exodo 18:21—makatitiyak din tayong ganoon din ang pipiliing katuwang ng mga nasa poder ngayon. Kung hindi naman, ang tanging magagawa natin sa ngayon ay bantayan sila at bigyan ng benefit of the doubt.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 7,330 total views

 7,330 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 13,303 total views

 13,303 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 19,058 total views

 19,058 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 26,321 total views

 26,321 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 34,305 total views

 34,305 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 7,331 total views

 7,331 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 13,304 total views

 13,304 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 19,059 total views

 19,059 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 26,322 total views

 26,322 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 34,306 total views

 34,306 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,563 total views

 35,563 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,567 total views

 47,567 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,609 total views

 55,609 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,166 total views

 47,166 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,591 total views

 45,591 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,377 total views

 47,377 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,302 total views

 44,302 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,616 total views

 58,616 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 62,306 total views

 62,306 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,909 total views

 60,909 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top