Cardinal Tagle, inaasahan ang pagbubuklod ng pamayanan sa pagtatapos ng FABC conference

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 710 total views

Umaasa ang opisyal ng Vatican na mapapaigting ang paglalakbay ng simbahan sa Asya tungo sa nagbubuklod na pamayanan.

Ito ang mensahe ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro-Prefect ng Dicastery for Evangelizations at pangulo ng Caritas Internationales sa pagtatapos ng 20-araw na General Conference ng Federation of Asian Bishops’ Conferences.

Ipinaliwanag ng Cardinal na higit kinakailangan ang sama-samang paglalakbay na may habag at awa upang magdudulot ng pagkakaisa ng pamayanan at mapagtibay ang ugnayan sa Pagninoon.

“It will be a journey of mercy, compassion, not of destruction. A journey of patience, and not condemnation, a journey that ends in the beautiful land of justice and charity,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.

Sinabi ng opisyal na ang sama-samang paglalakbay ay pinagpasyahan at hangarin ng nakararami kaya’t mahalagang magkaisa ang bawat lider ng simbahan sa Asya sa pagsusulong ng pagbubuklod ng nasasakupang mananampalataya.

Iginiit ni Cardinal Tagle na bilang mga Asyano ay nararapat na paigtingin ang pakikipagkapwa tulad ng ninanais ni Hesus na paglalakbay upang pagkaisahin ang sambayanan sa halip na magkakawatak-watak; lingapin ang nangangailangan; at kalingain ang kapwa tao upang maramdaman ang habag ng Panginoon.

Nagtapos nitong October 30 ang two-week conference ng Asian Bishops sa temang ‘FABC 50: Journeying together as together as peoples of Asia “…and they went a different way’ na hango sa ebanghelyo ni San Mateo.
Si Cardinal Tagle ang itinalaga ni Pope Francis bilang kanyang kinatawan sa pagtitipon na dinaluhan ng mahigit 200 obispo mula sa 29 na kasaping bansa kabilang ang Pilipinas kung saan pinangunahan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang delegasyon bilang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 45,054 total views

 45,054 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 40,923 total views

 40,923 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 77,125 total views

 77,125 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 85,886 total views

 85,886 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 111,380 total views

 111,380 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top