Gawing litter-free ang mga sementeryo, panawagan ng LGU sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 946 total reads

Hinimok ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang publiko na magkaisa para mapanatiling malinis ang mga sementeryo sa paggunita ng Undas.

Ipinaalala ni Belmonte ang kahalagahan ng kalinisan ng kapaligiran para sa kalusugan, kaligtasan at kapakanan ng ibisita sa mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

“We appeal to the general public to keep the cemetery environment free of litter for the health, safety and convenience of everyone. Keeping our cemeteries litter-free is not only pleasing to the eye, but also a good way to show our awareness and responsibility towards the environment,” pahayag ni Belmonte.

Ginawa ng alkalde ang pahayag bilang pagsuporta sa kampanya ng EcoWaste Coalition na Untrash Undas: Enforce B.T.S. (Bawal magTapon sa Sementeryo) upang isulong ang malusog at ligtas na paggunita sa All Saints’ at All Souls’ Day.

Ayon naman kay EcoWaste National Coordinator Aileen Lucero, katulad ng pag-alala sa mga yumaong mahal sa buhay ay nararapat isaalang-alang ang pangangalaga sa kapaligiran.

Iginiit ni Lucero na ang pagkakalat ng basura ay paglabag sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act, gayundin sa umiiral na Quezon City Environment Code.

Sa mga nakalipas na Undas, karaniwang naiiwan na sa mga sementeryo ang mga natirang pagkain, single-use plastic bags, at mga upos ng sigarilyo.

Matatagpuan naman sa Quezon City ang mga pampubliko at pribadong sementeryo tulad ng Bagbag at Novaliches Public Cemetery, Himlayang Pilipino Memorial Park; gayundin ang Christ the King Columbary, Mount Carmel Shrine Columbarium, at iba pa.

Nauna nang hinimok ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang publiko na igalang ang mga nakahimlay at gunitain nang taimtim ang Undas sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 49,898 total reads

 49,898 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 97,769 total reads

 97,769 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 201,717 total reads

 201,717 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 287,831 total reads

 287,831 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 355,538 total reads

 355,538 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 164,573 total reads

 164,573 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top