Iwasang ikumpara ang sarili sa iba, Archbishop Uy sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,762 total reads

Hinikayat ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga mananampalataya na iwasang ikumpara ang kanilang sarili sa iba at matutong magpasalamat sa sariling mga biyaya.

Sa kanyang pagninilay sa Ebanghelyo, ipinaalala ng arsobispo ang kuwento ng mga manggagawang tinanggap sa magkakaibang oras ngunit tumanggap ng parehong kabayaran sa pagtatapos ng araw.

Ayon kay Archbishop Uy, ipinapakita nito na hindi dapat maging dahilan ng inggit ang biyaya o tagumpay ng ibang tao.

Hinimok din ng Arsobispo ang mga matagal nang kabilang sa Simbahan na tanggapin ang mga bagong nagbabalik sa pananampalataya.

“Sometimes we do the same. We criticize, compare, become jealous, or pull others down, thinking somehow that we will shine more. But putting out another person’s light will never make ours brighter,” ayon pa sa homiliya ni Archbishop Uy.

Dagdag pa ng arsobispo, “So when God blesses your neighbor, rejoice. When someone succeeds, congratulate them. When someone who has been away returns to God, welcome them.”

Paalala ni Archbishop Uy na para sa Panginoon, hindi kailanman huli ang lahat para magsimulang muli sa pagbabalik-loob.

Binigyang-diin din ng arsobispo na kapag pinagpala ang ibang tao, hindi ibig sabihin na nabawasan ang biyayang para sa atin.

“Do not allow somebody else’s blessing to make you forget your own. There is enough grace for everyone. When God blesses another person, He has not taken anything away from you,” ayon pa sa arsobispo.

Sa halip na manghusga, mainggit o manghila pababa, hinikayat ni Archbishop Uy ang mananampalataya na makisaya sa tagumpay ng kapwa, suportahan ang kanilang mabubuting gawain at magpasalamat sa Diyos.

Sa huli, ipinaalala ni Archbishop Uy na sa ubasan ng Diyos, may lugar para sa lahat, may gawain para sa lahat at sapat ang biyaya para sa lahat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 223,815 total reads

 223,815 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 255,546 total reads

 255,546 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 357,370 total reads

 357,370 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 397,932 total reads

 397,932 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 409,585 total reads

 409,585 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top