Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,283 total reads

Homiliya para sa Huwebes, Kapanganakan ni San Juan Bautista, 23 Hunyo 2022, Lk 1: 57-66, 80.

Bakit tayo nagpipiyestang San Juan Bautista ngayong June 23, gayong alam naman nating June 24 ang tradisyunal na Pyesta niya? Dahil kasi nataon ang kapistahan ng Sagradong Puso bukas, June 24. Syempre, ang ating bidang propeta na nagsabi tungkol kay Hesus, “He must increase, I must decrease”, laging magpaparaya sa alam niyang mas bida sa kanya—ang Sagradong Puso ng matalik niyang kaibigan at pinsan.

Pero sa mga parokya at diocese na ipinangalan kay San Juan Bautista, okey lang daw, ayon sa Simbahang Katolika, na ibaligtad—na ibida pa rin sa June 24 si San Juan at sa June 23 na ipagdiwang ang Sagradong Puso. Siguro dahil alam din natin na sa usapin ng kababaan ng loob, kahit si Juan Bautista hindi kayang higitan sa kababaang-loob ang kanyang disipulo at kaibigan na kinilala niya bilang Manunubos, ang Korderong Nag-aalis ng Kasalanan ng Sanlibutan.
 

 
Ang gusto kong bigyang pansin sa ating pagdiriwang ay ang unang mga salita na lumabas sa bibig ni Zacarias, ayon kay San Lukas, matapos ang siyam na buwan ng kanyang pananahimik: “ANG PANGALAN NIYA’Y JUAN!”

Ewan kung kailan ba nagsimula na ang pangalang JOHN ay naging para bang generic name para sa mga Amerikano. Di ba kapag may taong natagpuang patay pero walang makitang ID o anumang pagkakakilanlan sa kanya, tinatawag muna siyang “A certain John Doe?” Siguro ito ang ginaya ng Pilipinas kung kaya’t ang tawag naman sa atin sa generic na Filipino ay “Juan de la Cruz.”

Galing sa Hebreo ang pangalang JUAN, JO-HANAN. Kapag binigyan ng ganitong pangalan ang isang tao, ibig sabihin, siya ay parang patotoo o ebidensya na “mapagkaloob ang Diyos.” Sa madaling salita, siya ay REGALO NG DIYOS.

Kaya nang tutulan ni Zacarias ang suggestion ng mga kamag-anak na ipangalan ang bata sa kanya at sumang-ayon sa misis niya na dapat Juan ang ipangangalan sa bata tulad ng bilin ng anghel, malinaw ang statement niya. “May bokasyon at misyon ang batang ito: ang magpatotoo sa kagandahang-loob ng Diyos. Kaya hindi ako o kalooban ko ang masusunod sa buhay niya, kundi ang Diyos lamang.”
 

 
At nagkatotoo nga. Paglaki ng bata, imbes na magsilbi sa templo bilang paring tulad ng tatay niya, siya ay naging PROPETA. Hindi sariling mga ambisyon o plano sa buhay ang inatupag niya. Ni hindi mahalaga sa kanya na makilala siya. Walang ibang mahalaga sa kanya kundi Salita ng Diyos. Buong buhay niya inilaan niya sa pakikinig at pagkilatis sa Kalooban ng Diyos upang dumating ang sadali na maipakilala niya ang Salitang nagkatawang tao kay Hesus. Kaya sinabihan niya ang mga alagad niya: hindi sa akin kundi sa kanya kayo dapat sumunod.

Hindi madali ang ganitong klase ng bokasyon. Natural daw sa tao ang ambisyon na gumawa ng pangalan para sa sarili. Sa Ingles, “To carve a name for oneself.” Si Juan na Tagabinyag ay parang kabaligtaran. Nagpaka-generic, kumbaga. Di baleng maging JOHN DOE o JUAN DE LA CRUZ. Walang ibang Pangalan na importante sa kanya kundi ang Ngalan ng Anak ng Diyos. Parang si Juan Bautista ang naririnig ko kapag binabasa ang sinabi ni San Pablo tungkol sa KENOSIS ng Anak ng Diyos. Sabi niya sa Philippians 2:9-10:
 

 
“(Dahil lubos na ibinuhos ni Kristo ang kanyang sarili sa krus,) dinakila siya ng Diyos, binigyan ng pangalan na higit na dakila sa lahat, upang sa Ngalan ni Hesus, ang bawat nilalang ay luluhod, maging sa langit o sa lupa, at bawat isa ay magpapahayag na si Hesukristo ay Panginoon, sa ikadarakila ng Diyos Ama.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 86,399 total reads

 86,399 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 120,283 total reads

 120,283 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 155,582 total reads

 155,582 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 381,852 total reads

 381,852 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 270,695 total reads

 270,695 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WHEN A FAMILY BECOMES A PLACE OF TRAGEDY

 14,352 total reads

 14,352 total reads Someone called my attention today to the tragic case of Caleb Flynn in the United States—a Christian worship pastor recently convicted of murdering

Read More »

THE VINEYARD IS NOT OURS

 19,999 total reads

 19,999 total reads Homily for the Closing of the Season of Creation 800th Anniversary of the Transitus of St. Francis of Assisi 27th Sunday in Ordinary

Read More »

FROM REVOLUTION TO RECONCILIATION

 19,265 total reads

 19,265 total reads My French friend Eric Nicolas, a native of Marseille, sent me a message yesterday that made me look at one particular moment of

Read More »
Scroll to Top