Jubilee indulgence, matatanggap ng mga dadalaw sa matatandang nag-iisa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Jubilee Indulgence matatanggap ng mga dadalaw sa mga matatandang namumuhay nang mag-isa.

Naniniwala ng Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV na napapanahon ang paggunita ng Simbahang Katolika ng Jubillee Year of Hope ngayong taon upang bigyan ng pag-asa at mapaligaya ang mga nakatatanda na nakadarama ng kalungkutan sa buhay.

Ito ang bahagi ng mensahe ng Santo Papa para sa ika-limang World Day of Grandparents and the Elderly na nakatakda sa ika-27 ng Hulyo, 2025.

Ayon kay Pope Leo XIV, ang lahat ay tinatawagan upang maipadama sa mga nakatatanda na hindi sila nag-iisa at ang patuloy na pagpapahalaga sa kanilang naging mahalagang ambag sa lipunan at maging sa Simbahan.

Paliwanag ng Santo Papa, mahalagang patuloy na maipadama sa mga nakatatanda ang biyayang hatid ng kanilang mayamang karanasang maaring maging inspirasyon para sa mga kabataan upang maging mabuting kasapi ng lipunan.

“Looking at the elderly in the spirit of this Jubilee, we are called to help them experience liberation, especially from loneliness and abandonment. This year is a fitting time to do so. God’s fidelity to his promises teaches us that there is a blessedness in old age, an authentic evangelical joy inspiring us to break through the barriers of indifference in which the elderly often find themselves enclosed.” Bahagi ng mensahe ni Pope Leo XIV.

Bilang patuloy namang pagsasabuhay sa layunin ni Pope Francis sa pagtatakda ng araw upang kilalanin ang natatanging kahalagahan ng mga nakatatanda sa lipunan ay makatatanggap ng Jubilee Indulgence ang lahat ng mga bibisita o dadalaw at manatili nang sapat na panahon kasama ang mga matatandang namumuhay nang mag-isa.

Ayon sa Apostolic Penitentiary, bagamat hindi makakapunta sa Roma ngayong Jubilee Year ay makatatanggap pa rin ng Jubilee Indulgence ang sinuman na tutupdin ang layunin ng World Day of Grandparents and the Elderly na pagbisita sa mga matatandang nag-iisa ng naayon sa layunin ng dating Santo Papa Francisco.

Una ng inihayag ni Pope Francis na malaki ang ambag ng mga lolo, lola at mga nakatatanda sa buhay ng bawat isa hindi lamang sa lipunan kundi maging sa Simbahan kaya naman naaangkop lamang ang patuloy na pagkilala at pagbibigay halaga sa kanilang mga nagawa sa buhay sa kabila ng kanilang edad sa kasalukuyang panahon.

“Pope Francis wanted the World Day of Grandparents and the Elderly to be celebrated primarily through an effort to seek out elderly persons who are living alone. For this reason, those who are unable to come to Rome on pilgrimage during this Holy Year may “obtain the Jubilee Indulgence if they visit, for an appropriate amount of time, the elderly who are alone… making, in a sense, a pilgrimage to Christ present in them. Visiting an elderly person is a way of encountering Jesus, who frees us from indifference and loneliness.”
Ayon sa mensahe ni Pope Leo XIV.
Tema sa pagdiriwang ng ika-limang World Day of Grandparents and the Elderly ngayong taon ang “Blessed are those who have not lost hope (cf. Sir 14:2)”.

Taong 2021 ng itinalaga ni Pope Francis ang ikaapat na Linggo sa buwan ng Hulyo para sa paggunita ng World Day of Prayer for Grandparents and the Elderly na pinakamalapit na araw sa July 26-ang Kapistahan nina San Joaquin at Santa Ana na Lolo at Lola ni Hesus.

Paliwanag ni Pope Francis bahagi ng tungkulin ng kasalukuyang henerasyon ang imulat ang kamalayan ng mga kabataan sa pangangalaga sa mga nakatatanda upang hindi ituring na pabigat sa halip ay mahalagang bahagi at sandigan ng buhay na nagtataglay ng mga karanasan at karunungan na mahalaga hindi lamang sa lipunan kundi maging sa Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang kalikasan ay may karapatan

Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas kundi isang

Read More »

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More »

SYNODALITY

Synodality is the process and style of the Church’s life in which all members journey together, participate actively, and discern collectively in mission and governance.

Read More »

SOBRANG LUGMOK NA ANG MGA PINOY

Sa kasalukuyan, hindi na makakaagapay ang milyun-milyong Pilipino., lugmok na lugmok na! Sa nakalipas na buwan ng Pebrero 2026, hirap na hirap na ang mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top