Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

June 24, 2021, idineklarang special non-working holiday

SHARE THE TRUTH

 457 total views

Idineklara ng Malacañang ang ika-24 ng Hunyo, 2021 na Special Non-Working Holiday sa Lungsod ng Maynila bilang paggunita sa 450th Founding Anniversary ng syudad.

Sa bisa ng Proclamation No. 1167 na nilagdaan ni Presidential Executive Secretary Salvador Medialdea ay inihayag ng opisyal na ang naturang deklarasyon ay naglalayong bigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan ng Lungsod ng Maynila na gunitain ang isang mahalagang yugto sa syudad.

Binigyang diin naman ng opisyal na mahalaga pa ring matiyak ang pagsunod sa mga ipinatutupad na mga safety health protocol bilang patuloy na pag-iingat mula sa pagkalat ng COVID-19 virus sa lungsod.

 

 

Samantala, kasabay ng pagdiriwang ng ika-450 anibersaryo ng pagkakatatag sa Lungsod ng Maynila at ng unang parokya sa syudad na kilala ngayon bilang Manila Cathedral ay gugunitain rin ng Simbahang Katolika ang Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni San Juan Bautista at ang pagtatalaga kay Archdiocese of Manila Archbishop-elect Cardinal Jose Advincula bilang ika-33 Arsobispo ng Maynila

pangungunahan ni Manila City Mayor Francisco Domagoso ang seremonya ng pagtanggap kay Cardinal Advincula sa makasaysayang Postigo Gate ng Intramuros na susunod naman ang pakikipagkita ng Cardinal sa mga alkalde ng mga syudad na nasasakupan ng Archdiocese of Manila na kinabibilangan ng mga Lungsod ng Maynila, San Juan, Pasay, Mandaluyong, at Makati sa Ayuntamiento o kasalukuyang tanggapan ng Bureau of Treasury.

Pangungunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang pagtatalaga kay Cardinal Advincula kung saan bilang pag-iingat tanging 400-indibidwal lamang ang pahihintulutan sa loob ng Manila Cathedral na kinabibilangan ng mga pari ng Archdiocese of Manila at Archdiocese ng Capiz, mga kaanak ng Cardinal at mga opisyal ng national at local government.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Anong solusyon sa edukasyon?

 6,510 total views

 6,510 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

Dadanak ang dugo?

 14,950 total views

 14,950 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 5:5-7, kinasusuklaman ng Diyos ang mga mamamatay-tao, manlilinlang, at sinungaling. Ang ating Panginoon ay Diyos ng katotohanan

Read More »

ICC TRIAL

 31,097 total views

 31,097 total views Kapanalig, matapos ang 2025 midterm elections kung saan multi-bilyong piso ang nagastos at marami ang kumapal ang bulsa pansamantala., maraming relasyon ang nasira,

Read More »

REAWAKENING

 39,261 total views

 39,261 total views Kapanalig, nagising na nga ba ang mga botanteng Pilipino? Akalain mo, nagulat ang mga “political observer” sa naging resulta ng 2025 midterm election,

Read More »

20-PESO RICE

 46,513 total views

 46,513 total views Ibaba sa 20-pesos kada kilo ang presyo ng bigas… Ito ang naging pangako ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga Pilipino tatlong taon

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Cardinal Tagle, pangungunahan ang PCNE XI

 3,692 total views

 3,692 total views Inaanyayahan ng Office for the Promotion of New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila ang mananampalataya sa ika-11 yugto ng Philippine Conference on

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top