Just transition roadmap, panawagan ng Obispo sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,107 total reads

Hinikayat ni Antique Bishop Marvyn Maceda ang pamahalaan na simulan na ngayon ang isang makatarungan at maayos na transition ng lalawigan mula sa pagmimina tungo sa renewable energy.

Sa pastoral appeal na “The Cry for a Just Transition is Now: A Pastoral Appeal for Semirara,” sinabi ni Bishop Maceda na kailangang magkaroon ng malinaw, may takdang panahon at sapat na pondo ang ‘Just Transition Roadmap’ para maprotektahan ang mga manggagawa, pamilya at komunidad habang naghahanda ang lugar sa paglipat sa renewable energy.

Kabilang sa panawagan ang pagbuo ng renewable energy at iba pang sustainable industries sa Semirara at Caluya, paghahanda at retraining ng mga manggagawa para sa bagong trabaho, pag-iba-iba ng lokal na ekonomiya, sapat na social protection, at rehabilitasyon ng mga lupain, tubig at ecosystem na naapektuhan ng pagmimina.

“To our beloved workers and families of Semirara: the Church does not ask you to sacrifice your family’s daily bread in order to protect the environment. We ask government and industry to help ensure that you can continue earning that bread through work that is safe, dignified, and increasingly sustainable. You should not be forced to choose between your livelihood today and the future of the island your children will inherit tomorrow.

There is another path: a gradual, adequately financed, environmentally responsible and socially just transition. On this Feast of St. Francis of Assisi, as we bring our celebration of the Season of Creation to a close, we appeal to our national government, the Department of Energy, the Department of Environment and Natural Resources, SMPC, and whoever may eventually be entrusted with the future operation of the Semirara coal resource: Let the transition begin now,” ayon sa mensaheng ni Bishop Maceda na pinadala sa Radyo Veritas.

Nilinaw ni Bishop Maceda na hindi hinihiling ng Simbahan ang biglaang paghinto ng coal mining na maaaring magdulot ng matinding epekto sa kabuhayan ng libo-libong manggagawa at kanilang pamilya, kundi isang responsable at pinondohang transition o pagbabago habang may panahon at resources pa upang ito ay maihanda.

Hiniling din ng Obispo sa Department of Energy na isama ang ‘Semirara Just Transition Roadmap’ sa Philippine Energy Plan at sa mga tuntunin ng anumang magiging future Coal Operating Contract, kabilang ang mga planong pangkabuhayan, environmental rehabilitation at economic diversification.

Binigyang-diin ni Bishop Maceda na ang usapin ay hindi lamang tungkol sa kalikasan at enerhiya kundi tungkol din sa katarungan, dignidad ng tao at pananagutan sa Diyos para sa ating common home, kasabay ng panawagan na bigyang-boses ang mga manggagawa, pamilya at komunidad sa paghubog ng kinabukasan ng Semirara.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 19,483 total reads

 19,483 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 100,743 total reads

 100,743 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 134,192 total reads

 134,192 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 169,490 total reads

 169,490 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 395,388 total reads

 395,388 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top