Bishop Mangalinao sa Franciscans, maging tunay na taga-pangalaga ng kalikasan at protektor ng mga dukha

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,884 total reads

Hinamon ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao ang mga Franciscan at mga mananampalataya na gawing konkretong pagbabagong-loob ang diwa ng Transitus ni San Francisco.

Sa kanyang keynote speech sa national celebration ng ika-800 taon ng Transitus ni San Francisco ng Assisi sa UST Quadricentennial Pavilion, sinabi ng obispo na dapat itong magsusulong ng higit na paglilingkod kay Kristo, sa kapwa, at maging sa sangnilikha.

Aniya, ang bokasyon ng mga Pransiskano ay dapat hindi lamang tungkol sa pagpapatakbo ng mga institusyon kundi dapat itong nakatuon kay Kristo.

“The Franciscan vocation is not fundamentally about managing programs, maintaining historic structures, or running institutions, or racking up achievements. Brothers and sisters, it is about belonging radically to Christ,” ayon kay Bishop Mangalinao.

Binigyang-diin din ni Bishop Mangalinao na bahagi ng patuloy na Transitus ang pagtalikod sa pansariling interes at pagtanggap sa pananagutang pangalagaan ang sangnilikha.

Aniya, ang pagmamahal sa kalikasan ay dapat makita sa konkretong pakikiisa sa mga komunidad na nanganganib dahil sa pagkasira ng kapaligiran.

“To be Franciscan today means standing shoulder to shoulder with indigenous communities whose lands are threatened, defending polluted rivers, protecting future generations, and living simply so that others may simply live,” ayon sa obispo.

Ibinahagi rin ng obispo ang kanyang pakikiisa sa mga komunidad sa Nueva Vizcaya at Quirino na nakikibaka upang mapangalagaan ang mga kabundukan, kagubatan at watershed laban sa mapanirang pagmimina at iba pang extractive industries.

Binigyang-diin ni Bishop Mangalinao na hindi sapat ang mga salita at pahayag tungkol sa pangangalaga sa kalikasan kung walang kahandaang kumilos at manindigan.

“It is easy to love creation when it costs you nothing. The sweet talk will never help us. It is another thing entirely to stand as a wall of defense between corporate greed and the vulnerable earth,” giit ng obispo.

Umaasa ang obispo na ang paggunita sa Transitus ni San Francisco ay maging paanyaya sa patuloy na pagtawid mula sa sarili patungo kay Kristo, mula sa pagkakahiwalay patungo sa pagkakapatiran, at mula sa pagsasamantala patungo sa pangangalaga sa sangnilikha.

Si San Francisco ng Assisi ay tinaguriang patron ng ekolohiya dahil sa kanyang pagmamahal sa sangnilikha.

Patuloy naman ang paninindigan ng mga Franciscan missionaries sa bansa laban sa mga usaping panlipunan, kabilang ang pagtatanggol sa karapatan ng mga dukha, mga katutubo, at iba pang mahihinang sektor ng lipunan sa pamamagitan ng kanilang tanggapang Justice, Peace, and Integrity of Creation (JPIC).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 21,278 total reads

 21,278 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 102,453 total reads

 102,453 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 135,902 total reads

 135,902 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 171,200 total reads

 171,200 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 397,031 total reads

 397,031 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top