Mga layko, tinawag ni Bishop Caermare na co-responsible ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,258 total reads

Hinikayat ni Dipolog Bishop Severo Caermare, DD, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity, ang mga layko na kilalanin ang kanilang dignidad at misyon bilang mga binyagang alagad ni Kristo.

Ito ang paalala ni Bishop Caermare sa pagtatapos ng National Laity Week 2026 na may temang “The Laity United in Prayer as Pilgrims of Hope — That Christ may be formed in us.”

Inihayag ng Obispo na ang kagalakan ng isang layko ay hindi lamang dapat nakabatay sa mga organisasyon, ministries o posisyong hawak sa Simbahan, kundi sa pagkakakilanlan bilang taong bininyagan at kabilang kay Kristo.

Binigyang-diin ni Bishop Caermare na sa pamamagitan ng binyag ay tinatanggap ng bawat Kristiyano ang tawag sa kabanalan at pakikibahagi sa misyon ng Simbahan.

Ipinaalala ng Obispo sa mga layko na hindi lamang sila volunteers na tumutulong sa mga pari at obispo, kundi mga co-responsible na bahagi ng iisang misyon ng Simbahan bagamat magkakaiba ang mga charism, organisasyon at paraan ng paglilingkod ngunit iisa ang binyag, pananampalataya at misyon.

Iginiit ni Bishop Caermare ang kahalagahan ng Christian formation, kabilang ang paghubog sa konsensya at responsibilidad ng bawat mamamayan.

Ipinaliwanag ng Obispo na dapat ihiwalay ang pananampalataya sa mga realidad na kinakaharap ng lipunan.

Ayon sa obispo, kailangang makita ang presensya ni Kristo sa araw-araw na buhay—sa pamilya, trabaho, negosyo, pakikitungo sa kapwa, social media at pagtupad sa responsibilidad bilang mamamayan.

Ang hamon ng Obispo, sa halip na itanong lamang kung naging matagumpay ang pagdiriwang ng National Laity Week ay hinimok niya ang mga layko na suriin kung nakikita ba ang presensiya ni Hesus sa atin.

“The theme that we have, ‘That Christ may be formed in us,’ may become for us a pathway where our activities and pastoral works be led—may be led us to Christ and to the service of His Church and the community.Alam natin na maraming mga problema po tayong kinakaharap sa ating bansa, at may mga personal na rin tayong mga problema. Pero alalahanin natin that we are not alone. Yes, the Church journeys with us, and of course, God is journeying with us,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Caermare.

Kaugnay nito, hinimok ni Sangguniang Laiko ng Pilipinas President Brother Alberto Loteyro ang mga layko na ipagpatuloy ang kanilang paglilingkod sa iba’t ibang ministries at patuloy na tuklasin ang kanilang identity at vocation bilang mga layko.

Hinikayat ni Loteyro ang mga layko na dalhin ang diwa ng pagdiriwang sa kanilang patuloy na misyon sa pagpapalaganap ng tunay na “church of the poor”.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 22,034 total reads

 22,034 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 103,175 total reads

 103,175 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 136,624 total reads

 136,624 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 171,922 total reads

 171,922 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 397,710 total reads

 397,710 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top