Tunay na yaman, naka-ugat sa paglilingkod sa diyos at kapwa-Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,647 total reads

Hinimok ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na muling tuklasin ang tunay na kayamanan na hindi nasusukat sa dami ng ari-arian, impluwensya, o tagumpay sa buhay.

Sa kanyang homiliya sa National Celebration ng ika-800 taon ng Transitus ni San Francisco ng Assisi sa UST Quadricentennial Pavilion, sinabi ng kardinal na ipinapaalala ng halimbawa ng santo na ang tunay na yaman ay nakaugat sa tunay na paglilingkod sa Diyos at sa kapwa.

“But Saint Francis reminds us of another kind of wealth. A wealth that cannot be bought. The wealth of a heart free enough to give, humble enough to serve, and empty enough to receive God,” ayon kay Cardinal Advincula.

Sinariwa ng kardinal sa kanyang pagninilay ang buhay ng tagapagtatag ng Franciscan Order, kung saan, mula sa kanyang kabataang naghahangad ng karangalan, naranasan niya ang pagkatalo na naging bahagi ng kanyang pagbabagong-loob.

Gayundin, ang pakikipagtagpo ni San Francisco sa isang ketongin ay nagbago sa kanyang pananaw tungkol sa mga dukha.

“The life of Francis shows that we become free not when we possess everything, but when we no longer need to possess everything,” aniya.

Hamon ng kardinal sa mga mananampalataya na talikuran ang paghahangad ng paghanga ng iba at ang pagsukat sa sariling halaga batay sa posisyon, ari-arian, at mga nagawa sa buhay.

“We need to die to our need to be admired… and desire to measure our worth by our position, possessions, and accomplishments,” giit ni Cardinal Advincula.

Ginugunita ngayong taon ang ika-800 anibersaryo ng Transitus ni San Francisco, na pumanaw noong October 3, 1226 sa Portiuncula sa Assisi, Italy.

Nagbuklod sa pagdiriwang ang mga Franciscano sa pamamagitan ng Inter-Franciscan Ministers Conference of the Philippines, kasama ang mga Domikanong pari na nakiisa sa pagdiriwang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 50,191 total reads

 50,191 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 146,965 total reads

 146,965 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 191,234 total reads

 191,234 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 214,343 total reads

 214,343 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 287,275 total reads

 287,275 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top