73-taong paglilingkod sa mahihirap

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,294 total reads

Kinilala ng Caritas Manila, social arm ng Archdiocese of Manila ang mahalagang papel ng volunteers, donors, benefactors at mission partners sa pagpapalaganap ng misyong i-angat ang buhay ng mga mahihirap.

Sa pagdiriwang ng ika-73 taong anibersaryo ng Caritas Manila, nagpapasalamat si Fr.Anton CT Pascual sa patuloy na pagkakaloob ng panginoon ng biyaya sa social arm ng Archdiocese of Manila upang maisakatuparan ang pagtugon sa pangangailangan ng mahihirap.

Ayon kay Fr. Pascual, naging matagumpay ang misyon ng Caritas Manila dahil sa tulong at suporta ng mga volunteers at benefactors na sama-samang kumikilos upang mapalakas ang iba’t-ibang programa para sa kinabukasan ng mga nasa laylayan na pamilyang Pilipino.

Tinukoy din ng executive director ng Caritas Manila ang mahalagang papel ng mga volunteer o Social Service and Development Ministry (SSDM) sa pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamamagitan ng konkretong paglilingkod sa kapwa.

Iginiit ni Father Pascual na hindi lamang pagtulong ang layunin ng mga programa ng Caritas Manila kundi ang pagbibigay oportunidad sa mga mahihirap na makaahon sa kahirapan at magkaroon ng pag-asa sa buhay.

“Misyon ng Caritas Manila na matulungan ang mahirap na tulungan ang kanilang sarili. At nawa sa pamamagitan ng mga pondong nalilikom ng Caritas Manila, ito ay makapagbigay ng pag-asa sa ating mga kapos-palad—na huwag silang mawawalan ng pag-asa, lalo’t lalo na ang simbahan, na instrumento ng pagdaloy ng dakilang habag ng Diyos.”pahayag ni Fr.Pascual sa Radyo Veritas

Kabilang sa mga programang pinapatatag ng Caritas Manila ang Sanlakbay Program sa Pagbabago Program na nakatuon sa pag-aalaga, paggabay at paghubog sa mga drug dependents bilang bahagi ng restorative justice ministry ng Archdiocese of Manila.

Ayon kay Fr. Roberto “Bobby” Dela Cruz, Priest-in-Charge ng Restorative Justice Ministry, malaking tulong ang pagiging bahagi ng Caritas Manila upang higit na mapalakas at maging mas epektibo ang kanilang paglilingkod sa mga benepisyaryo.

Nagpasalamat si Fr. Dela Cruz sa Caritas Manila at sa mga mission partners na patuloy na sumusuporta sa mga programa para sa mga nangangailangan.

Binigyang-diin niyang sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Simbahan, mga volunteers at mga katuwang sa misyon ay mas napapalawak ang pagkalinga sa mga taong nangangailangan ng suporta, paggabay at panibagong pagkakataon.

Sa pagdiriwang ng ika-73 anibersaryo, muling binigyang-diin ng Caritas Manila ang panawagan na gawing konkretong pagkilos ang pananampalataya, lalo na sa pamamagitan ng pagkalinga sa mga mahihirap at pagbibigay ng pag-asa sa mga nangangailangan.

Para kay Father Pascual, mahalagang maipadama sa mga nasa laylayan ang pag-ibig at awa ng Diyos sa pamamagitan ng patuloy na paglilingkod.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 49,799 total reads

 49,799 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 146,592 total reads

 146,592 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 190,861 total reads

 190,861 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 213,970 total reads

 213,970 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 286,926 total reads

 286,926 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 28,380 total reads

 28,380 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top