2,622 total views
Hindi nalalayo ang pag-ibig sa Panginoon sa pagmamahal na ating inihahandod sa ating nililiyag.
Ayon kay Papal nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown, ang pagmamahal ay nangangailangan ng pagpapatawad at sakripisyo.
“All love requires sacrifice, mercy, and forgiveness. So, there is a very-very deep connection there,” ayon kay Archbishop Brown sa programang Pastoral visit-on-the air sa Radio Veritas.
Habang ang pag-ibig naman sa Panginoon ay higit na maipapahayag sa pagiging martir o pagpapakasakit sa ngalan ng pagmamahal sa Diyos.
Paliwanag pa ni Archbishop Brown; ‘So, the most beautiful expression of the love of a Christian is the gift of martyrdom. So, there is a beautiful connection of love in your ‘romantic love’ which is one expression of the human hearts longing for communion with another and a Christian love is manifested in martyrdom.”
Ngayong araw ipinagdiriwang sa maraming bansa sa buong mundo ang “Valentines’ Day” na karaniwang iniuugnay sa pagmamahalal ng mga mag-asawa at magkasintahan.
Sa kasaysayan ng simbahan, si St. Valentine ay isang pari at manggagamot na ang kapistahan ay ipinagdiriwang tuwing February 14.
Siya ay kilalang patron ng mga magsing-irog, epileptics at beekeepers na naging martir sa nagaganap na pang-uusig laban sa mga kristiyano sa ilalim ng pamumuno noo’y Emperor na si Claudius II Gothicus noong 270.