Nakaaalarmang sitwasyon ng mga batang babae

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,036 total views

Mga Kapanalig, naitala ng Philippine Statistics Authority (o PSA) na bumaba nitong 2022 ang mga kaso ng maagang pagbubuntis ng mga edad 15 hanggang 19 kumpara noong 2017.1 Ngunit nakababahala ang datos din ng PSA kung saan dumarami ang bilang ng mga menor de edad na nabubuntis ng mga mas nakatatandang lalaki.  

Sa datos ng ahensya, karamihan sa mga lalaking may pananagutan sa maaagang pagbubuntis ng mga kabataang babae ay mas matanda sa kanila ng tatlo hangang limang taon. Nakaaalarma ring anim hanggang pitong porsyento ng teenage pregnancies ay dahil sa pakikipagtalik sa mga batang babae ng mga lalaking mas matanda sa kanila ng higit sa sampung taon. Bagamat bumaba ang mga kaso ng teenage pregnancy sa nakalipas na limang taon, marami sa mga ito ay maituturing na statutory rape, isang krimen kung saan nagkakaroon ng sekswal na relasyon ang isang nakatatanda sa isang batang babae. 

Sa ilalim ng Republic Act No. 11648 o Act of Raising the Age of Sexual Consent, binibigyan ng mas mataas na proteksyon ang mga batang wala pang labing-anim na taóng gulang. Kinikilala rin ng batas na hindi pa ganap ang kapasidad ng mga batang 16 taóng gulang pababa na gumawa ng tamang desisyon tungkol sa pagkakaroon ng sekswal na relasyon, lalo na sa isang nakatatanda. Ngunit hindi sapat ang pagpasá ng naturang batas sa pagpapalakas ng adbokasiya para sa proteksyon ng mga bata mula sa lahat ng uri ng karahasan. Dapat itong maipatutupad nang husto at mahigpit ng gobyerno. Magsisimula ito sa pagtiyak na nauunawaan ang batas ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan at ng iba pang kinauukulan at na ginagampanan nila ang kanilang tungkulin at responsibilidad sa pagpapatupad nito.  

Ayon sa Plan International, isang NGO na nagsusulong ng mga karapatang pambata at ng pagkakapantay-pantay ng mga batang lalaki at babae, laganap ang maagang pagbubuntis sa mga mahihirap na bansa at komunidad kung saan maraming naisasantabi. Madalas ding napipilitang huminto sa pag-aaral ang mga babaeng nabubuntis na nagiging dahilan ng limitadong oportunidad na makahanap ng trabaho na lalo namang maglulubog sa kanila sa kahirapan.

Hindi dapat maging kampante ang mga magulang, ang gobyerno, pati na ang Simbahan sa isyung ito. Katulad nga ng binibigyang-diin sa mga panlipunang turo ng Simbahan, mahalaga ang pakikilahok sa mga usapin at gawaing tumututol sa paglabag sa dignidad ng mga bata dulot ng sekswal na pananamantala sa kanila at iba pang uri ng karahasan. Dapat mas paigtingin ng buong komunidad ang pagbibigay ng angkop at komprehensibong impormasyon tungkol sa sekswalidad ng mga kabataan. Mahalagang naisasalin ang mga naipasáng batas sa mga aktwal na programa at proyektong magbibigay ng proteksyon sa mga bata, lalo na sa mga kabataang babae, upang tunay na maging epektibo ang mga ito. Higit sa lahat, kailangan din pagtuunan ng pansin ang pagbibigay ng edukasyon at iba pang interbensyon sa mga lalaking nasa hustong gulang. Dapat paigtingin ang istriktong parusang kailangan ipataw sa kanila sa mga pagkakataong nakikipagrelasyon sila sa mga batang wala pa sa hustong edad.  

Mga Kapanalig, maraming batang inosente at walang sapat na kakayahang magpasya o ipagtanggol ang kanilang sarili ang humihingi ng tulong. Mahalagang napagtutuunan sila ng atensyon upang mapangalagaan ang kanilang dignidad at mga karapatan. Kailangan nila ng tulong upang hindi sila mailagay sa panganib at nang hindi mapagsamantalahan ang kanilang kamusmusan. Kailangan nila ng kalinga at proteksyon nang maitaguyod ang kanilang pag-unlad at kagalingan. Gaya ng paalala sa Mga Awit 127:3, “ang mga anak ay pagpapala at gantimpalang mula sa Panginoon.” Pahalagahan at proteksyunan natin ang mga bata, sapagkat biyaya sila ng Diyos sa atin.  

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 14,959 total views

 14,959 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 64,973 total views

 64,973 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 60,842 total views

 60,842 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 96,969 total views

 96,969 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 104,987 total views

 104,987 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Papalayô sa tunay na demokrasya

 14,960 total views

 14,960 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 64,974 total views

 64,974 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 60,843 total views

 60,843 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 96,970 total views

 96,970 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »
Scroll to Top