Kaalaman at kasanayan sa social services ng mga Obispo at Pari, paiigtingin ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 699 total views

Layunin ng Caritas Philippines na paigtingin pa ang kaalaman at kasanayan ng mga Pari sa iba’t-ibang Diyosesis sa Pilipinas sa bahagi ng pagtulong sa mga mahihirap at nangangailangan.

Ito ang tiniyak ni Jing Rey Henderson, ang Communication and Partnership Development Unit Coordinator ng NASSA/Caritas Philippines matapos na ihayag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP ang suporta nito sa itinayong learning ang training institute ng kanilang tanggapan.

Ayon kay Henderson, mas lalo pang pagyayamin ng Caritas Philippines Academy ang kakayanan ng iba’t-ibang mga Social Action Center at sa bahagi ng Social Service and Development sa mga nangangailangan.

Sinabi ni Henderson na sasailalim sa pagsasanay at pag-aaral ang mga Social Action Directors at iba pang lingkod ng Simbahan sa pamamagitan ng 14 month certificate courses katuwang ang Development Academy of the Philippines.

“Nitong January and July [CBCP] plenary ating hiniling sa mga Obispo na kilalanin ang ating academy kaya po ngayon finally ito po ay tinatawag nang Caritas Philippines Academy… Even yun mga Obispo at mga SAC Directors ay sinasabi na kung pwede magkaroon sila ng capacity building bago sumabak sa ganitong [paglilingkod].. na magkaroon sila ng consistent capacity building or training talaga” pahayag ni Henderson sa panayam ng programang Caritas in Action.

Aminado si Henderson na malaki din ang gampanin ng mga Social Action Directors lalo na sa nalalapit na halalan 2022 kung saan makikibahagi ang mga institusyon na ito sa pagpapalaganap ng discernments para sa mga mapipiling kandidato.

Taong 2016 nang unang sinimulan ang pagkakaroon ng leadership program ng Caritas Philippines kung saan maaring makibahagi ang mga Pari at mga layko mula sa iba’t ibang Diyosesis sa Pilipinas.

Ito ay bilang pagtugon sa panawagan ni Pope Emeritus Benedict XVI sa kanyang encyclical letter na ‘Deus Caritas Est’ kung saan hinihimok ang mga nasa ilalim ng Social Action Network na magkaroon ng kasanayan o ‘professional competence’ pagdating sa mga programa na nagsusulong ng adbokasiya at pagtulong ng Simbahan para sa mga mahihirap.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 12,675 total views

 12,675 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 35,827 total views

 35,827 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 105,941 total views

 105,941 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 180,553 total views

 180,553 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 259,769 total views

 259,769 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 91,342 total views

 91,342 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top