Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kababaihan, kinilala ng Santo Papa na tagapangalaga ng kapaligiran

SHARE THE TRUTH

 1,780 total views

Kinilala ng Kanyang Kabanalan Francisco ang kababaihan bilang tagapangalaga ng kapaligiran.

Ito ang mensahe ng santo papa sa paggunita ng World Mountain Day kung saan tema ang Women move mountains”.

Sinabi ni Pope Francis na ito rin ay pagkakataong paalalahanan ang sangkatauhan sa kahalagahan ng kalikasan.

“The World Mountain Day, which invites us to recognize the importance of this wonderful resource for the life of the planet and of humanity; it’s true, women move mountains! – reminds us of the role of women in caring for the environment and in safeguarding the traditions of mountain populations,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.

Inihayag ng pinunong pastol ng simbahang katolika na ipinakikita ng mga pamayanang naninirahan sa kabundukan ang diwa ng pagiging komunidad na nagtutulungan at nagbubuklod sa paglalakbay.

Batay sa pag-aaral ng United Nations 15 porsyento sa populasyon ng mundo ang nanirahan sa kabundukan at nangangalaga sa kalahati ng biodiversity hotspots ng daigdig.

Itinagala ng UN ang International Year of Mountains noong 2002 na layong bigyang pahalaga ang mga kabundukan na lantad sa panganib ng climate change dulot ng labis na pananamantala ng tao.

Matatandaang inilahad sa Laudato Si ni Pope Francis ang wastong pangangalaga ng kalikasan na nararapat gampanan ng bawat mamamayan upang mapanatiling maayos at mapakinabangan ng mga susunod na henerasyon.

Sa Pilipinas ilan sa tinututulang proyektong makapipinsala sa kabundukan ang multi-billion-peso Kaliwa Dam project sa Sierra Madre mountain range at iba’t ibang minahan sa bansa lalo na sa Mindanao region.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 6,932 total views

 6,932 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 15,248 total views

 15,248 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 33,980 total views

 33,980 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 50,486 total views

 50,486 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 51,750 total views

 51,750 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 1,114 total views

 1,114 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top