Diocese of Antipolo, nanawagan ng pakikiisa sa taunang pilgrimage season ng Our Lady of Peace and Good Voyage

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,526 total views

Inaanyayahan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga mananampalataya na makibahagi sa taunang pilgrimage season sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage at tanggapin ang plenary indulgence na ipinagkaloob ng Simbahan.

Kasabay ng tradisyunal na “pag-ahon” noong May 5, sa kapistahan ng Mahal na Birhen ng Antipolo, pormal na binuksan ng obispo ang tatlong buwang panahon ng debosyon at panalangin.

“Tayo na sa Antipolo, sama-sama tayong manalangin, magsimba at magparangal sa ating Mahal na Ina,” pahayag ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Ayon sa obispo, ang mga debotong makikibahagi sa mga pagdiriwang, kabilang ang Banal na Misa at mga debosyon, ay maaaring tumanggap ng plenary indulgence alinsunod sa karaniwang kondisyon ng Simbahan.

Isinasagawa ang pilgrimage season mula unang Martes ng Mayo hanggang unang Martes ng Hulyo, na tampok ang nobenaryo at mga prusisyon. Pangungunahan ito ng iba’t ibang obispo mula sa buong bansa, patunay sa pambansang kahalagahan ng debosyon sa Mahal na Birhen ng Antipolo.

Kabilang sa mga inaasahang magdiriwang ng Misa sina Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, at Archbishop Charles Brown na mangunguna sa pagtatapos ng pilgrimage season.

Inihayag din ni Bishop Santos na tampok sa pagdiriwang ngayong taon ang ika-400 anibersaryo ng pagdating ng imahe ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje sa Pilipinas at ang ika-100 taon ng canonical coronation nito, kung saan maglalabas din ng commemorative stamps sa July 7 bilang paggunita sa mga mahalagang selebrasyon.

Sa kanyang homiliya, binigyang-diin ng obispo na ang debosyon sa Mahal na Birheng Maria ay dapat maglapit sa mga mananampalataya kay Hesus.

“Ang lahat ng ginawa ng mahal na Birheng Maria ay hindi para sa kanyang sarili datapuwa’t upang mailapit tayo sa Diyos,” ani Bishop Santos.

Ibinahagi rin ng pastol ang tatlong aral mula sa buhay ng Mahal na Birhen: “Kababaang-loob. Katapatan. Kabutihan.”

Binigyang-diin ng obispo na ang lahat ng tinatamasa ng tao ay mula sa Diyos at dapat gamitin nang may pananagutan.

Tayo lamang ay katiwala ng Diyos dito sa lupa. Ang lahat ng sa atin ay pahiram lamang ng Diyos,” aniya.

Hinimok din niya ang mga mananampalataya na manatiling tapat sa kanilang mga pangako at sumunod sa kalooban ng Diyos, tulad ng tugon ni Maria na “Mangyari sa akin ang iyong sinabi.”

Para kay Bishop Santos, ang pag-ahon sa Antipolo ay hindi lamang pisikal na paglalakbay kundi isang espirituwal na pagpapalalim ng pananampalataya.
“Ang lahat ng kanyang ginawa at ipinakita, sinabi o naging habilin ay nararapat lamang na maghahatid sa atin upang si Jesus ay ating makilala nang lubusan, mamahalin natin nang labis, at magbubunsod sa atin na si Jesus ay mapaglingkuran nang higit,” ani ng obispo.

Muling inaanyayahan ng obispo ang mga deboto na dumalaw sa international shrine at makiisa sa mga mahahalagang pagdiriwang sa malalim na debosyon ng mga Pilipino sa Mahal na Birheng Maria, Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 41,140 total views

 41,140 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 84,748 total views

 84,748 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 168,466 total views

 168,466 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 182,568 total views

 182,568 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top