Kabayanihan ang pagtulong sa kapwa—Bishop Bagaforo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,119 total reads

Ang lahat ay maituturing na bayani ng kapwa.

Ito ang binigyang diin ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – National Director ng Caritas Philippines sa paggunita ng 126th death anniversary ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal.

Ayon sa Obispo ang pagpapamalas ng pagmamahal, pagkalinga at pagtugon sa pangangailangan ng kapwa kongkretong pagpapakita ng pagmamahal sa bayan na isa sa pangunahing katangian ng isang bayani.

Tinukoy ni Bishop Bagaforo ang pagtugon ng bawat isa sa kalagayan ng nasalanta ng malawakang pagbaha dulot ng masamang panahon sa Eastern Visayas gayundin sa malaking bahagi ng Mindanao.

“Lahat po tayo ay bayani ng ating mga kapwa, kaya ang napakagandang pagpapakita ng ating pagmamahal sa bayan at ang pagpapakita ng halimbawa ng ating mga bayani ay ang pag-aalay kapwa natin lalong lalo na sa mga nasalanta ng sama ng panahon [bagyo], biktima at maraming naghihirap. Makibahagi po tayo at mag-alay kapwa yan po ang mga katangian ng isang mga bayani katulad nating mga Filipino,” pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.

Ibinahagi naman ni Bishop Bagaforo na bilang social action at development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ay unang nakapagpaabot ng tulong pinansyal ang Caritas Philippines sa mga nasalanta ng malawakang pagbaha sa pamamagitan ng social action center ng iba’t ibang diyosesis sa mga apektadong lugar.

Tiniyak ng Obispo na hindi dapat mabahala at mawalan ng pag-asa ang mamamayan sa pagmamahal ng Diyos sapagkat hindi pababayaan ng Simbahan ang mamamayang nangangailangan ng tulong at ayuda sa oras ng mga pagsubok.

“Huwag po kayong mabahala ating mga kababayan na nasalanta ng sama ng panahon [bagyo] hindi po naming kayo makakalimutan at ang tulong ay handa naming ipaabot sa inyo, at huwag po tayong mawalan ng pag-asa sa pagmamahal ng Diyos sa atin at ito ay isa na namang pagsubok,” dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Samantala, umaasa naman ang Obispo na dahil sa panigong kaso ng malawakang pagbaha dulot ng sama ng panahon ay higit ng mabuksan ang kamalayan ng bawat isa tungkol sa pangangalaga ng kalikasan.

Ipinaliwanag ni Bishop Bagaforo na ang mga nagaganap na flashfloods, landslides at malawakang pagbaha sa mga komunidad ay bunga ng kawalan ng balanse sa kalikasan na dulot na rin ng kapabayaan at pang-aabuso sa kalikasan at kapaligiran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 13,941 total reads

 13,941 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 98,844 total reads

 98,844 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 193,175 total reads

 193,175 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 254,861 total reads

 254,861 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 300,094 total reads

 300,094 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top