Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Lubusang paggaling ni Pope Benedict XVI, dalangin ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

 1,201 total views

Dalangin ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang lubusang paggaling ni Pope Emeritus Benedict XVI.

Ayon sa Arsobispo, nawa’y maranasan ng dating Santo Papa ang kalinga ni Hesus na dumating para sa katubusan ng sanlibutan.

“Nawa sa panahong ito ng kapaskuhan, maranasan ni Pope Benedict XVI ang presensya ni Hesus na ating Liwanag at Tagapagligtas. Ipagkatiwala natin siya sa Diyos at sa pagkalinga ng Mahal na Birhen,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Matatandaang hiniling ni Pope Francis sa mananampalataya ang panalangin para sa paggaling ni Pope Emeritus Benedict XVI na kasalukuyang nakararanas ng matinding karamdaman sa edad na 95- taong gulang.

Tiniyak ni Cardinal Advincula ang pakikiisa sa panawagan ni Pope Francis kasabay ang apela sa mga Pilipino na magbuklod sa panalangin para sa dating punong pastol ng simbahan.

“Hinihiling ko na isama natin si Pope Benedict XVI sa mga intentions ng ating mga Misa, magsama-sama tayo sa pananalangin, Holy Hour, at pagro-rosaryo para kay Pope Benedict,” ani ng cardinal.

Taong 2013 nang magbitiw sa panunungkulan bilang santo papa si Pope Benedict XVI dahil sa karamdaman subalit nanatili itong nakasuporta sa liderato ni Pope Francis sa pangangasiwa sa 1.4 bilyong katoliko sa buong mundo.

2005 nang maihalal ang dating santo papa bilang kahalili sa namayapang si St. John Paul II.

Naunang nagpaabot ng panalangin si San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari at Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo para sa mabilis na paggaling ng dating Santo Papa.

Bishop Mallari, nagpaabot ng panalangin kay Pope Benedict XVI

Obispo, nanawagan ng sama-samang pagdarasal sa kagalingan ni Pope Benedict

Inialay din ng Diocese of Balanga ang lahat ng misa sa Bataan para sa kagalingan ni Pope Emeritus Benedict XVI.

Mga Misa sa Diocese ng Balanga, iaalay sa kagalingan ni Pope Benedict XVI

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 11,209 total views

 11,209 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 25,169 total views

 25,169 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 42,321 total views

 42,321 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 92,737 total views

 92,737 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 108,657 total views

 108,657 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Mga educator, kinilala ni Pope Leo XIV

 16,259 total views

 16,259 total views Kinilala at pinasalamatan ni Pope Leo XIV ang mga nagatatrabaho sa larangan ng edukasyon sa patuloy na pagsasabuhay ng misyong hubugin at linangin

Read More »
Scroll to Top