Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 1,850 total views

Kapanalig, magbabagong taon na naman, at siyempre, karamihan sa atin laging may new year’s resolutions. Ang kalusugan ay isa sa mga nangungunang resolutions ng marami nating kababayan. Nais natin na maging mas healthy, physically at mentally, ngayong darating na bagong taon. May mga nangangako ngayon na mag mas eexercise na sila, mas kakain ng tama, o mag-diyeta.

Ang pagbibigay focus o tutok sa kalusugan ay hindi lamang dapat maging goal o layunin ng mga mamamayan. Dapat ang pamahalaan, gawin din itong prayoridad. Marami ring pagbabago ang kailangan sa ating health sector para tunay na matulungan nito ang mas marami nating mga kababayan.

Kailangan, kapanalig, ngayong 2023, mas mapataas pa natin ang access to health sa ating bansa. Ang inekwalidad sa access sa kalusugan ay kitang kita sa imprastraktura pa lamang. Karamihan sa mga health facilities sa ating bayan ay nasa mga siyudad, lalo na dito sa Metro Manila. Madalang o mas kaunti ang mga malalaking hospital, pribado man o publiko sa mga lalawigan. Ang ganitong sitwasyon, kapanalig, ay nagpapakita ba na ang health facilities ay concentrated lamang sa mga lugar kung saan nakatira ang mga mas mapera? For profit ba talaga ang health care sa bansa?

Isa pang isyu pagdating sa kalusugan kapanalig, kahit mayaman ka pa nga o mahirap, ay ang pagkamahal-mahal ng health care sa bansa. Kapag nagkaroon ng catastrophic illness ang sinuman sa isang pamilya, halos limasin na ang resources ng mga pamilya, kahit pa may PhilHealth pa silang pinanghahawakan. Tinatayang umaabot ng 40% ng capacity to pay ng pamilyang Filipino ang mga catastrophic health expenditures. Isang halimbawa ay ang pangangailangan sa dialysis – may mga pasyente na kailangan nito ng tatlong beses kada linggo. At bawat pagpunta mo dito, libo-libo ang bayad dito. Kapag inatake sa puso at kailangang operahan, umaabot ng kalahating milyon o higit pa ang kailangan. Wala pa rito ang gamot at room accommodation.

Ang nutrisyon din, kapanalig, ay kailangan tutukan. Mas mahirap kumain ng masustansyang pagkain ngayon dahil mas mahal na ang mga bilihin. Ang gulay, mga sangkap sa pagluluto, ang mga karne at isda, ay napakamahal. Sabi nga ng World Bank, prevalent ang micronutrient malnutrition sa ating bansa. Mga 38% ng mga sanggol na anim hanggang labing isang buwan ay nakakaranas nito, at 26% naman sa mga batang may edad 12 hanggang 23 months. Mga 20% ng mga nanay ay anemic naman.

Sabi nga ni Pope Francis sa kanyang general weekly audience noong Pebrero 9, 2022: The right to care and treatment for all must always be prioritized, so that the weakest, especially the elderly and the sick, are never discarded.” Sana ngayong bagong taon, mas mapabuti pa natin ang health care sa Pilipinas upang mas maraming mga Filipino ang mamumuhay ng mas malusog at mas malakas ngayong 2023.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 40,122 total views

 40,122 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 56,210 total views

 56,210 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 93,691 total views

 93,691 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 104,642 total views

 104,642 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

kabaliwan

 40,123 total views

 40,123 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 56,211 total views

 56,211 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 93,692 total views

 93,692 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 104,643 total views

 104,643 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 94,325 total views

 94,325 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 95,052 total views

 95,052 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 115,841 total views

 115,841 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 101,302 total views

 101,302 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 120,326 total views

 120,326 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »
Scroll to Top