Pilipinong pari sa Roma, nagpapasalamat sa pagbuti ng kalagayan ni Pope Benedict XVI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,656 total reads

Muling hinikayat ng mga Pilipinong pari sa Roma ang mananampalataya na patuloy na mag-alay ng panalangin para sa kay Pope Emeritus Benedict XVI.

Ipinagpapasalamat din ng Simbahan ang balita na kasalukuyang nasa stable condition na ang dating pinuno ng Simbahan bagama’t patuloy ang panghihina dahil sa karamdaman at katandaan.

Tiwala si Fr. Greg Gaston, Rector ng Pontificio Colegio Filipino sa Roma na patuloy na makiisa ang mga Filipino sa pananalangin bilang pakikiisa sa dating Santo Papa.

“Kaya, patuloy tayo na ipagdasal natin si Pope Emeritus Benedict XVI at sana ay bigyan siya ng lakas ng Panginoon,” ayon kay Fr. Gaston.

Si Pope Emeritus Benedict XVI ang naging kahalili ng noo’y si Pope John Paul II na pumanaw noong 2005.

Namuno naman si Benedict XVI sa loob ng walong taon, hanggang sa kanyang pagbibitiw sa tungkulin dahil na rin sa panghihina ng kalusugan taong 2013.

Sa ilalim ng panunungkulan ni Benedict XVI, may 90 cardinal ng Simbahan ang hinirang sa limang consistories.

Kabilang naman si dating Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa huling anim na cardinal na hinirang ni Benedict XVI sa kaniyang pamumuno bilang pinakamataas na opisyal ng simbahan.

Ang Filipino Cardinal ay itinalaga sa ginanap na consistory noong 2012 at kasalukuyang nakabase sa Roma makaraang hirangin naman ni Pope Francis sa ilang mga tanggapan sa Vatican kabilang na ang Dicastery for Evangelization.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 14,428 total reads

 14,428 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 99,301 total reads

 99,301 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 193,632 total reads

 193,632 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 255,318 total reads

 255,318 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 300,517 total reads

 300,517 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top