Kahalagahan ng Mental Health

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,220 total reads

Nitong panahon ng pandemya, naging prayoridad ng marami ang mental health. Ang mahigit isang taon na pananatili sa bahay at ang sunod sunod na pagkakasakit, at minsan, kamatayan, sa ating paligid ay nagdudulot ng malubhang anxiety para sa marami. Matinding kalungkutan at takot din ang bumabalot sa mga tahanang nabiktima na ng COVID-19.

Napakahalaga kapanalig, ang solidarity at pakiki-isa sa ating panahon ngayon. “Isolated” o nakakaramdam na pag-iisa ang marami sa atin dahil nga tayo ay hindi pa rin gaanong nakakalabas, di gaya ng dati. Sinasabayan pa ito ng kawalan ng trabaho at pagtaas ng bilihin, kaya’t samo’t saring stress ang nararamdaman ng marami.

Tumaas na nga ang bilang ng mga nakakaranas ng depresyon, ayon na rin sa dami ng tawag na natatanggap ng National Center for Mental Health (NCMH) Crisis Hotline. Simula 80 kada buwan bago magpandemic, tumaas ito ng 400 kada buwan. Ayon pa sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang mga insidente ng suicide ay tumaas ng 25.7% nitong 2020, kaya nga’t 27th na ito sa  sa mga dahilan ng pagkamatay sa bansa noong 2020, kumpara sa pang 31st noong 2019. Tumaas din ang insidente ng self-harm. Naging 3,529 ito noong 2020, kumpara sa 2,808 noong 2019.

Ayon sa Evangelium Vitae, bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan, “May mga pagkakataon na ang tao ay gumagawa ng mga desisyon na labag sa buhay dahil sa matinding pagdurusa, kalungkutan, kawalan ng pag-asa sa kinabukasan, at sobrang pagkabalisa.”  Kailangan natin, kapanalig, makita at kilalanin ang mga kapwa nating nasa ganitong sitwasyon upang sila’y ating matulungan. Kailangan madama nila na hindi sila nag-iisa sa buhay, at hindi man nila nakikita sa ngayon, may naghihintay pang magandang bukas para sa ating lahat.

Ayon sa World Health Organization, mas marami ngayong edad 15-29 ang nakakaranas ng depresyon. Sa kanilang hanay sa buong mundo, pang-apat ang suicide sa pangunahing dahilan ng kamatayan. Mas marami sa kanila ay lalaki. Mahalaga, kapanalig, ang early identification o maagang pagkilala sa mga bulnerableng tao, mga support services, at maayos na prevention strategy.

Kapanalig, tunay naman na nakakadurog ng puso ang mga nangyayari sa ating  mundo ngayon. Kahit sinong tao ay mahihirapan kayanin ang mga trahedyang nararanasan natin ngayon. Kaya’t napakahalaga na maramdaman natin na tayo ay magkakasama at sabay sabay naglalakbay sa mas masaya, mas malusog, at mas maunlad na hinaharap. Hindi man natin makuha ang inspirasyon at suportang nais natin mula sa estado, ibigay natin ito sa ating mga tahanan at komunidad. Ayon  nga sa Caritas in Veritate: The development of people depends, above all, on a recognition that the human race is a single family working together in true communion, not simply a group of subjects who happen to live side by side.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 13,861 total reads

 13,861 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 45,134 total reads

 45,134 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 124,326 total reads

 124,326 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 218,552 total reads

 218,552 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 278,581 total reads

 278,581 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Protektahan ang mga bata

 13,862 total reads

 13,862 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 45,135 total reads

 45,135 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 124,327 total reads

 124,327 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 218,553 total reads

 218,553 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »
Scroll to Top