Kahalagahan ng pamilya sa pamayanan at simbahan, kinilala ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

 901 total views

Ibinahagi ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa pagtitipon ng Asian bishops na sa pamilya magmumula ang mga taga-paglingkod ng simbahan.

Ito ang mensahe ng cardinal sa general conference ng Federation of Asian Bishops Conference sa Bangkok Thailand na tumatalakay sa isinagawang Synod on Synodality ng simbahan.

Isa sa binigyang diin ng arsobispo na bunga sa synodal consultations ng Pilipinas ang kahalagahan ng pamilya sa pamayanan at simbahan.

“The Gospel injunction to pray for laborers for the harvest brings to mind one of the lessons we learned in the diocesan phase of the Synod on Synodality. The family is not only the seedbed of vocations to the priesthood and to the consecrated life, but also to the lay ministries,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Ipinaliwanag ng cardinal na bagamat may kakulangan ng mga pari ang Pilipinas ay aktibo naman ang basic ecclesial community (BEC) sa pangunguna ng mga layko na nagtataguyod ng mga programa sa edukasyon, pamumuhunan, pulitika, peace building at pangangalaga sa kalikasan.

Iginiit ni Cardinal Advincula na kung nais ng simbahan na pagtibayin ang synodality ay mahalagang kilalanin ang bawat pamilya bilang tagapaghubog ng mga kakayahang kinakailangang sa Synodal Church.

“The family is not only the seedbed of all vocations; the family is also the school of synodality. Prayerfulness and discernment, communion and compassion, honesty and transparency – like charity – begin at home,” ani ng cardinal.

Pinangunahan ni Cardinal Advincula ang banal na misa sa FABC general conference noong October 18 na dinaluhan ng iba’t ibang obispo mula sa 29 na mga bansang kasapi ng FABC.

Tema ng pagtitipon ng asian bishops ang “FABC 50: Journeying together as peoples of Asia “… and they went a different way.” bilang paggunita sa ikalimang dekadang pagmimisyon ng mga simbahan sa Asya na itinatag noong 1970 nang dumalaw si noo’y santo papa St. Paul VI sa Pilipinas at nasaksihan ang buhay na pananampalataya ng mga Pilipino.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 2,858 total views

 2,858 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 28,219 total views

 28,219 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 38,847 total views

 38,847 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 59,835 total views

 59,835 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 78,540 total views

 78,540 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top