Kahalagahan ng Tamang Pagpili ng Lider, Tinalakay sa Vox Consolacion Episode 1

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 175,061 total views

(Upper L-R) Annalou Calzado and Mimot Astoveza, Agta youth members from General Nakar, Quezon; Edil Guyano, Development Head of CBCP NASSA/Caritas Philippines; and Dario Aumentado, Agta Coordinator, with (seated L-R) student-hosts Mira Nicolas and Evan Clemente. (Photo: Vannaliza Espiritu / Layout: James Azan)

Noong Mayo 3, 2025, pinasimulan ng Vox Consolacion, student program ng La Consolacion University Philippines (LCUP), ang unang episode nito sa DZRV846 Veritas Campus Hour, tampok ang mahalagang usapin para sa mga botante ngayong midterm elections.

Tinalakay sa programa ang kahalagahan ng tamang pagpili ng mga lider, ang mga hakbang sa tamang proseso ng halalan, at ang mga responsibilidad ng bawat botante upang matiyak na ang halalan ay magiging malinis, tapat, at makatarungan.

Nakasama sa pagtalakay ng mga student-hosts ng LCUP AB Communication Arts na sina Mira Nicolas at Evan Clemente ang mga eksperto at kinatawan mula sa iba’t ibang sektor upang magbigay ng kanilang pananaw tungkol sa tamang pagboto.

Kabilang sa mga guest speakers si Edil Guyano, ang Development Department Head ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) National Secretariat for Social Action, Justice and Peace – Caritas Philippines, at sina Mimot Astoveza at Annalou Calzado, mga miyembro ng Katutubong Kabataang Umuugat sa Kabundukan ng Sierra Madre (UGBON) mula sa General Nakar, Quezon.

Ayon kay Guyano, ang pagboto ay hindi lamang basta pagpili ng kandidato, kundi isang mahalagang hakbang na may kaakibat na malaking responsibilidad. Binanggit rin niya na ang mga organisasyon na tulad ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ay may layuning magbantay sa halalan, at ang pangunahing tungkulin ng bawat botante ay tiyakin na tama at nararapat ang kanilang mga iboboto.

Gayundin, nagbigay si Guyano ng dagdag paalala para sa lahat ng mga botante na hindi lamang sapat na malaman kung sino ang iboboto, kundi kailangan rin na matiyak na ang boto ng mga mamamayan ay ligtas at maayos.

“Dapat nating pagtuunan ng pansin ang bawat hakbang ng proseso ng COMELEC upang matiyak na ito ay isinasagawa nang tama, at ang bawat boto ay binibilang nang tapat at walang kapekehan. Sa ganitong paraan, makakamit natin ang isang malinis at makatarungang halalan,” dagdag ni Guyano.

Nagpahayag naman ng saloobin si Astoveza patungkol sa kahalagahan ng pagtutok sa mga tunay na pangangailangan ng kanilang komunidad, partikular na sa mga katutubong Agta.

Ayon sa kanya, “Dapat tignan ng mga kandidato ang kalagayan ng aming komunidad at pakinggan ang aming mga saloobin. Mahalaga na maisama kami sa mga plano para sa aming mga pangangailangan.”

Idinagdag rin ni Astoveza na kasama sa adhikain nila na maunawaan ng mga kandidato ang kanilang mga pangarap at hinanakit. Kasunod nito, nagbigay ng kanyang pahayag si Calzado ukol sa pagkakataong mabigyan ng boses ang kanilang sektor.

“Mahalaga sa amin na marinig ang aming mga saloobin. Naniniwala kami na ang mga kandidato, lalo na ang mga mauupo sa posisyon, ay kailangang maunawaan ang aming sitwasyon at magpakita ng malasakit sa aming komunidad. Dapat kaming magtulungan upang matugunan ang mga isyung may kinalaman sa amin,” ani Calzado,

Sa pagtatapos ng programa, nagbigay ng mahalagang mensahe si Guyano sa mga tagapakinig. Binanggit niya na ang bawat botante ay may malalim na tungkulin sa proseso ng halalan, at ang tamang impormasyon at responsableng pagboto ay susi upang matamo ang isang makatarungan at maliwanag na kinabukasan para sa bansa.

Pinaalalahanan niya ang publiko na bawat boto ay mahalaga, kaya’t napakahalaga ring tiyakin ng bawat botante na sila ay may sapat na kaalaman at hakbang upang maisagawa ang isang malinis, maayos, at tapat na halalan. (Angela Kim Perez)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Konkretong paraiso?

 28,400 total views

 28,400 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 49,380 total views

 49,380 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 71,808 total views

 71,808 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 244,869 total views

 244,869 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 220,394 total views

 220,394 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 320,250 total views

 320,250 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top