1,595 total views
Ipinarating ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa South Sudan na manatiling kalmado at maghintay sa ipag-uutos ng gobyerno upang maging ligtas.
Ito ang paalala ni Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos – Vice-chairman ng CBCP-ECMI sa mga OFW sa bansa bunsod ng pag-iral ng sigalot sa pagitan ng pamahalaan at paramilitary groups ng South Sudan.
“They are in a very difficult and dangerous situation. We are praying and offering Holy Masses for their safety and security. We advised them to remain calm, courageous and prayerful. Stay in their place, don’t venture outside and always heed to the advice of our DFA government officials. Follow them and cooperate with their undertaking for your well-being,” ayon sa ipinadalang mensahe sa Radio Veritas ni Bishop Santos.
Ayon pa sa Obispo, higit ring nakikiisa ang simbahang katolika sa mga OFW at Migrante na nasa South Sudan upang makauwi ng ligtas sa Pilipinas.
Apela pa ni Bishop Santos sa mga Pilipino ang pananalangin at pag-aalay ng misa para sa kaligtasan ng mga Pilipino at panunumbalik ng kapayapaan sa bansang nasa Hilagang bahagi ng African Continent.
“We are with you, we support our government to keep you all well-protected and bring you safely back home, here, let us pray and offer Holy Masses that peace, harmony and unity come to Sudan. Thanks and my prayers,” pahayag ng CBCP-ECMI
Nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs sa mga foreign groups upang ligtas na mapauwi ang may 250 rehistradong OFW at Filipino Migrants sa South Sudan.
Unang naging mensahe ni Bishop Santos na walang pinapanigan ang mahigit 200-libong OFW sa Taiwan na tanging pagtatrabaho para sa kanilang pamilya na naiwan sa Pilipinas ang prayoridad.