Kahinahunan,hiling ng Apostolic Vicariate of Southern Arabia sa mga OFW

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Loading

Nanawagan si Bishop Paolo Martinelli, OFM Cap., ang Apostolic Vicar ng Apostolic Vicariate Southern Arabia, sa mga mananampalataya na manatiling mahinahon at magkaisa sa panalangin sa gitna ng umiigting na sitwasyon sa Middle East.

Sa kanyang mensahe, iginiit ng obispo ang kahalagahan ng kapanatagan at pagsunod sa mga umiiral na alituntunin ng pamahalaan para sa kaligtasan ng bawat mamamayan.

“I appeal to all of you, dear faithful of the Apostolic Vicariate of Southern Arabia, to remain calm and serene, while at the same time carefully follow all instructions given by our civil authorities,” ayon kay Bishop Martinelli.

Binigyang-diin ng obispo na higit kailanman ay kinakailangan ang pagkakaisa ng mga mananampalataya sa pananalangin para sa kapayapaan.

“Most of all, it is a time for all of us to remain united in prayer for peace,” pahayag pa ng obispo.

Hinikayat ni Bishop Martinelli ang mananampalataya na idulog sa Mahal na Birheng Maria sa pamamagitan ng santo rosaryo ang pag-iral ng pagkakasundo tungo sa mapayapang lipunan.

“I invite you all to pray the rosary every day for peace and reconciliation,” dagdag ni Bishop Martinelli.

Inatasan din ng obispo ang lahat ng parokya na isama sa pagdiriwang ng Banal na Misa ang panalangin para sa kapayapaan at kaligtasan ng mga mamamayan sa rehiyon.

“During all Holy Masses, let us pray for peace and security of all people in this region,” ani pa ng Apostolic Vicar.

Ipinagkatiwala ni Bishop Martinelli sa Panginoon ang kaligtasan ng bawat pamilya at hiniling ang paggabay ng Mahal na Birhen at ng mga banal para sa pagkakaloob ng tunay at pangmatagalang kapayapaan.

Patuloy namang nananawagan ang Simbahan sa mga mananampalataya na maging instrumento ng pagkakaisa, pananalig at pag-asa sa harap ng mga hamon at kaguluhan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SYNODALITY

Loading

Synodality is the process and style of the Church’s life in which all members journey together, participate actively, and discern collectively in mission and governance.

Read More »

SOBRANG LUGMOK NA ANG MGA PINOY

Loading

Sa kasalukuyan, hindi na makakaagapay ang milyun-milyong Pilipino., lugmok na lugmok na! Sa nakalipas na buwan ng Pebrero 2026, hirap na hirap na ang mga

Read More »

FRESH AND CREATIVE SOLUTIONS

Loading

Kapanalig, ilang dekada nang hindi nareresolba, hindi natutugunan ang problema ng Pilipinas sa “endemic na corruption, kahirapan, exlusion, malnutrisyon, kawalan ng katarungan, mataas na bilang

Read More »

Lipat na sa renewable energy

Loading

Mga Kapanalig, patuloy na tumataas ang presyo ng mga produktong petrolyo! Walang dudang epekto ito ng giyera sa Middle East na pinanggagalingan ng langis at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top