Kahirapan, tunay na problema ng Pilipinas hindi droga at kriminalidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 536 total views

Hindi matutugunan ng War on Drugs at pagkamatay ng mga sangkot sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot ang problema sa kahirapan na siyang tunay na suliranin ng bansa.

Ito ang reaksyon ni Diocese of Sorsogon Bishop Arturo Bastes – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Mission kaugnay sa isinagawang survey ng Pulse Asia sa mga pangunahing usapin o concern ng taumbayan na nais nilang matugunan ng pamahalaan sa lalong madaling panahon.

Paliwanag ng Obispo, kahirapan ang pangunahing problema sa lipunan na nararapat agad tugunan ng pamahalaan na hindi masusolusyunan ng pagsugpo sa ilegal na droga o pagpatay sa mga sangkot sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot.

“What we need because of the most important concern of the Philippines today it is that many people are still poor, because they are poor no matter how many people Duterte can kill the situation will always be the same so for us drug addiction is not the real problem, the real problem is poverty…” pahayag ni Bishop Bastes sa panayam ng Radio Veritas.

Lumabas sa isinagawang Survey ng Pulse Asia mula September 25 hanggang October 1 na dagdag-sahod at hindi pagsugpo sa kriminalidad ang pangunahing concern ng taumbayan, kung saan 46-na-porsyento ang nagpahayag ng pagnanais na matugunan ang pagtaas sahod sa mga manggagawa, 38-porsyento para sa pagkakaroon ng mga karagdagang trabaho, 37-porsyento upang makontrol ang presyo ng mga bilihin habang bumaba naman sa 31-porsyento ang mga nagsasabing nararapat unahin ang pagsugpo sa mga krimen mula sa dating 52-na-porsyento noong buwan ng Hulyo.

Samantala, naunang nagpahayag ng pagsuporta ang Simbahang Katolika sa layunin ng kasalukuyang Administrasyon na masugpo ang ilegal na droga at kriminalidad, ngunit binigyang diing hindi nararapat malabag ang ano mang karapatan ng mga mamamayan higit sa lahat ay kitilin ang buhay ninuman.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 61,661 total views

 61,661 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 57,530 total views

 57,530 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 93,732 total views

 93,732 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 101,931 total views

 101,931 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 126,112 total views

 126,112 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top