VeritasPH

The Word, The Truth

Kailangan ang inklusibong edukasyon

SHARE THE TRUTH

 1,113 total views

Mga Kapanalig, ngayong araw ang opisyal na pagbabalik klase sa mga pampublikong paaralan. Ayon sa Department of Education (o DepEd), handa na ang higit 46,000 pampublikong paaralan upang tanggapin ang mga magbabalik-eskwela.

Parami nang parami ang bilang ng mga batang nag-e-enroll taun-taon. Noong 2017, mahigit 26 milyong mag-aaral ang nag-enroll sa mga pampubliko at pribadong elementary at high schools. Ngayong taon, inaasahang aabot sa 28 milyong bata ang magbabalik-eskwela.

Bagamat libre ang matrikula sa mga pampublikong paaralan, ilan kayang mga bata ang nakakapagtapos ng kanilang pag-aaral? Sa tala ng DepEd, 8 sa bawat 10 mag-aaral na pumapasok ng elementary ang nakakapagtapos ng Grade 6. Sa high school naman, 7 lamang sa kada 10 pumapasok ang nakakapagtapos ng Grade 10. Mas marami naman sa mga nasa high school kumpara sa mga nasa elementarya ang nag-da-dropout bago matapos ang taon: 2.7 percent sa elementary at 6.6 percent naman sa high school.

Ang mas nakalulungkot, may batang hindi man lang nakatungtong sa paaralan. Ayon sa datos ng pamahalaan, 1.2 milyong batang Pilipino ang hindi nakakapag-aral. Ayon sa Save the Children, isang international NGO na nagtataguyod ng karapatan ng mga bata, mistulang pagnanakaw ng pagkabata ng mga paslit ang kawalan nila ng pagkakataong makapasok sa eskuwelahan. Batay sa End of Childhood Index na ginagamit ng Save the Children upang sukatin kung gaano kalubos na nararanasan ng mga bata ang kanilang pagkabata, pang-96 tayo sa 172 na bansa. Batay ito sa access sa edukasyon ng mga bata at kalidad ng kanilang nutrisyon. Tiningnan din ang mga kalagayang nagnanakaw ng pagkabata ng mga musmos gaya ng sapilitang paggawa, maagang pag-aasawa at pagbubuntis, at pagiging biktima ng karahasan.

Karapatan ng bawat batang makapag-aral. Kung kaya’t sa nakaraang Universal Periodic Review kung saan sinuri ang kalagayan ng karapatang pantao dito sa ating bansa, inirekomenda sa Pilipinas ng mga bansang miyembro ng United Nations na paglaanan ng mas mataas na budget ang pampublikong edukasyon. Iminungkahi ring palakasin ang alternative learning system at tiyaking libre ang pag-aaral upang magkaroon ng access sa edukasyon ang mga batang nasa malalayong lugar gaya ng mga katutubo, mula sa mahihirap na pamilya, kabilang sa LGBT, at may kapansanan. Tinanggap naman ng ating pamahalaan ang mga rekomendasyong ito ng UN at sinabing gagawin nila ang mga ito. Dapat nating bantayan kung maisasakatuparan ang mga ito upang matiyak na ang edukasyon sa ating bansa ay hindi lamang de-kalidad at libre kundi inklusibo—ibig sabihin, para sa lahat ng bata, anuman ang kanilang katayuan sa buhay, kakayanan, at kasarian.

Itinuturing ng ating Simbahan ang edukasyon bilang unang hakbang sa tungo sa pag-unlad. Sa kaniyang encyclical na Populorum Progressio, inihalintulad ni Pope Paul VI ang kakulangan o kawalan ng edukasyon sa kakulangan ng makakain. Aniya, “the illiterate is a starved spirit,” gutóm ang diwa ng isang taong mangmang. Kung marunong magsulat at magbasa ang bawat bata, lalakí siyang may sapat na kakayahan upang makapagtrabaho at mapaunlad hindi lamang ang kaniyang sarili kundi maging ang kaniyang bayan. Edukasyon ang unang sandata natin laban sa kahirapan. Ito ang nagbibigay sa atin ng kaalaman upang makalahok sa ating pamayanan at makialam sa mga isyung panlipunan. Tanda ang inklusibong edukasyon ng pagkakapantay-pantay at katarungan sa lipunan.

Mga Kapanalig, higit sa pagtuturo sa mga bata kung paano magbasa, magsulat, at magbilang, ang edukasyon ay hakbang tungo sa pagpapayaman ng sarili at pagpapaunlad ng bayan. Kaya’t mahalagang nakakapag-aral ang lahat ng bata; karapatan nila ito. At tungkulin ng pamahalaang gawing inklusibo, libre, at de-kalidad ang edukasyon. Kung makakapag-aral ang lahat ng bata, darating ang araw na ang Pilipinas ay hindi lamang maunlad, kundi isang bayan kung saan walang napag-iiwanan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 14,297 total views

 14,297 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 22,342 total views

 22,342 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 27,422 total views

 27,422 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 33,128 total views

 33,128 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 41,916 total views

 41,916 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 14,298 total views

 14,298 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 22,343 total views

 22,343 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 27,423 total views

 27,423 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 33,129 total views

 33,129 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 41,917 total views

 41,917 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 40,896 total views

 40,896 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,210 total views

 55,210 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 58,900 total views

 58,900 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,503 total views

 57,503 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,490 total views

 67,490 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,458 total views

 71,458 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,345 total views

 82,345 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 94,784 total views

 94,784 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,542 total views

 105,542 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 52,795 total views

 52,795 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top