Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ipagdasal ang bayan

SHARE THE TRUTH

 460 total views

Nanawagan ng panalangin ang Sangguniang Layko ng Pilipinas para sa paglabas ng katotohanan upang matuldukan na ang krisis ng kasinungalingan na kinahaharap ng bayan.

Ayon kay Maria Julieta Wasan – Pangulo ng Sangguniang Layko ng Pilipinas mahalaga ang pananalangin para sa bayan ng mga Filipino upang mabunyag ang lahat ng kasinungalingan at manaig ang katotohanan sa ating bansa.

“Kung tayong lahat na mga Filipino ay mananalangin para sa katotohanan, lahat ng mga kasinungalingan sana ay mabunyag, ngayon panahon na ito ay talagang nasa krisis ang ating environment ang ating kapaligiran na sana hanggat maari ay ipagdasal natin ang ating bayan…” pahayag ni Wasan sa panayam sa Radio Veritas.

Unang tinukoy ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang “Crisis of Truth” na kinahaharap ng bansa kung saan mahirap na matukoy sa kasalukuyang panahon ang mga totoong balita mula sa mga huwad at mga pekeng impormasyon o fake news.

Matatandaang lumabas sa pinakabagong Digital 2018 report ng London, United Kingdom-based consultancy We Are Social na nangunguna pa rin ang Pilipinas sa social media usage sa buong mundo kung saan umaabot sa 9 na oras at 29 na minuto kada araw ang ginugugol ng nasa 67-milyong internet users sa bansa kung saan malaking porsyenoto nito ay may social media account.

Kaugnay nito, kahapon ika-31 ng Mayo nang magtapos ang 12 araw na panawagan ni Cardinal Tagle noong Pentecost Sunday na “Feasts of Truth and Love” na paggunita sa pagbibigay halaga upang maisulong ang paninindigan para sa katotohanan at katarungan na hinahangad ng bawat isa para sa bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 25,126 total views

 25,126 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 41,214 total views

 41,214 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 78,879 total views

 78,879 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 89,830 total views

 89,830 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 31,821 total views

 31,821 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 16,019 total views

 16,019 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »
Scroll to Top