Simbahan kay Pangulong Duterte, makinig sa sigaw ng Salakyag

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 644 total reads

Positibo ang nakikitang pagbabago ni Cagayan De Oro Archbishop Antonio Ledesma sa mamamayang kanyang pinamumunuan matapos makibahagi ang Ecclesiastical Province ng Cagayan De Oro sa Caravan na Salakyag para sa Sangnilikha 2018.

Ayon sa Arsobispo,marami na ang nagpapakita ng pakialam sa suliranin ng kanilang bayan sa pagmimina, at nakahanda sa ibayong pag-aaral patungkol sa irresponsible mining, at illegal logging.

“Dito sa Butuan nagkakaroon na ng concern tungkol sa mining issues at also yung mga irresponsible logging so nagkakaron din ng mga awareness raising dito tungkol dyan.” pahayag ng Arsobispo sa Radyo Veritas.

Umaasa si Archbishop Ledesma na sa pagpapatuloy ng Salakyag sa iba pang mga lalawigan sa bansa ay patuloy na mamumulat ang mga Filipino sa panganib na nakaabang sa kapaligiran dulot ng mga gawaing sumisira sa kalikasan.

Naniniwala ito na ang pagpapataas ng kaalaman ng mamamayan ang magiging susi upang mas mapaigting pa ang sama-samang pagprotekta ng bawat indibidwal sa sang nilikha, at magkaroon ang mga tao ng lakas ng loob na ipagtanggol ang kapaligiran laban sa mga tiwaling kawani ng pamahalaan.

“Ipagpatuloy natin ang ating awareness raising sapagkat yun ang kailangan dito na there is general attention given to, itong public issues, sapagkat alam din natin dito, lalo na sa Agusan, there is also a lot of silent cooperation ng mga Public Officials tungkol sa mining at ito rin ang isang malaking problema dito.” Dagdag pa ng Arsobispo.

Samantala, hinangaan naman ni Father Edwin Gariguez – Executive Secretary ng CBCP NASSA / Caritas Philippines ang mainit na pagtanggap ng mga komunidad na nadaraanan ng grupo ng mga kasama sa Salakyag.

Ayon sa Pari, nakamamanghang tila walang pagod sa paghihintay at pag-aabang ang mga mamamayan sa iba’t-ibang komunidad upang salubungin ang mga naglalakbay.

Kapansin-pansin din ayon sa pari ang nalilikhang solemnidad sa kapaligiran dahil sa pananalangin ng Santo Rosaryo ng mga nakikibahagi sa Salakyag.

“Napaka lakas ng pagtanggap ng mga tao sukdulang nakakatuwa na nakakapanindig balahibo na makita, kung minsan na dedelay, pero naghihintay sila, may mga kandila na tinitirik sa gilid ng kalsada at higit sa lahat may mga assembly point kung saan nagtitipon-tipon ang mga tao at sinasalubong kami na may mga kandila kung gabi o di kaya kung araw ay yung mga winawagayway na kung ano-anong banderitas,” bahagi ng pahayag ni Father Gariguez.

Umaasa din ang Pari na ang pinagsama-samang boses ng mga tao sa isinasagawang Caravan ay diringgin ni Pangulong Rodrigo Dueterte at Department of Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu, sa oras na makarating na sa Maynila ang grupo ng mga naglalakbay.

Ang Salakyag na nagsisimula sa Zamboanga City noong ika-28 ng Mayo, ay nakaraan na din sa mga lugar ng Cagayan De Oro, Butuan, Surigao City, at susunod na nitong tatahakin ang mga daan patungo sa Palo, Guian, Ormoc, Catbalogan, Matnog, Albay, Quezon, Batangas, Laguna, hanggang sa Metro Manila.

Magtatapos ang Caravan sa ika-5 ng Hunyo kasabay ng pagdiriwang ng World Environment Day.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 12,282 total reads

 12,282 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 12,521 total reads

 12,521 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 30,433 total reads

 30,433 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 152,459 total reads

 152,459 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 202,821 total reads

 202,821 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 329,879 total reads

 329,879 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 413,808 total reads

 413,808 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 41,138 total reads

 41,138 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 70,696 total reads

 70,696 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 63,540 total reads

 63,540 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top