Santa Cruz parish, itinanghal na dambana ng banal na Sakramento

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 798 total reads

Maituturing na isang panibagong biyaya at misyon ang pagtataguyod sa Parokya at Simbahan ng Santa Cruz bilang Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament o Dambana ng Banal na Sakramento ng Simbahan ng Santa Cruz.

Ayon kay Rev. Fr. Rudsend Paragas, SS ang Parish Priest ng Sta. Cruz Church at kauna-unahang Rector ng Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament, isang pambihirang pagpapala para sa buong parokya ang mapagkatiwalaan na pangunahan ang misyon na palaganapin ang Mabuting Balita.

Sinabi ng Pari na nangingibabaw ang kanyang pasasalamat sa panibagong misyon at mas malaking responsibidad na nakaatang sa kanya.

“Bilang unang Rector dito sa Dambana ng Banal na Eukaristiya of course exited pero syempre yung pressure dahil Parish Priest ka at the same time Rector, it’s a privilege dahil alam ko namang malaking katungkulan pero yung pagkakatiwalaan ka ni Cardinal, ng provincial namin ng ganito kalaking trabaho kasi kapag dambana siya ibig sabihin ang misyon mo is to Evangelize people and for them to know more kung sino si Kristo, ibig sabihin more time, more care, more way of relating to people…”  pahayag ni Fr. Paragas sa panayam sa Radyo Veritas.

Ang pagiging Dambana ng Banal na Sakramento ng Simbahan ng Santa Cruz ay may basbas ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle kung saan kanyang pinangunahan ang pagtataguyod ng parokya at simbahan bilang Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament kasabay ng paggunita ng Solemnity of Corpus Christi o Kapistahan ng Katawan at Dugo ni Hesus.

Ang isang Dambana para sa mga Katoliko ay isang bahay-dalanginan o Simbahan na pinupuntahan ng mga deboto, pilgrims at may mga panata sa isang Santo.

Layunin ng Dambana ng Banal na Sakramento ng Simbahan ng Santa Cruz na maging daluyan ng pagsasakatuparan ng paghahari ng Diyos sa makahulugan at masiglang pagdiriwang ng mga liturhuya at Eukaristiya.

Layunin din ng dambana na maisulong ang mataimtim na pananalangin sa nakatanghal na Banal na Sakramento at pangungumpisal.

Ang Banal na Sakramento ay ang Konsagradong alak at tinapay na nagiging Katawan at Dugo ng Krisyo sa Banal na Misa.

Sa pagtanggap ng katawan at dugo ni Kristo nakakamtan ng bawat mananampalataya ang dakilang ugnayan sa Diyos sapagkat ang Eukaristiya ay ang pinaka-dakilang yaman ng Simbahang Katolika.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 237,734 total reads

 237,734 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 269,463 total reads

 269,463 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 371,288 total reads

 371,288 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 411,850 total reads

 411,850 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 422,566 total reads

 422,566 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top