Mga guro at mag-aaral, ipinagdarasal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 647 total reads

Iniulat ng Department of Education na naging maayos ang pagbubukas ng klase ngayong araw ika-5 ng Hunyo 2018.

Ayon kay DepEd Undersecretary for Planning and Field Operations Jesus Mateo, bunga ito ng paghahanda ng kagawaran upang maayos at maging matiwasay ang unang araw ng klase sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Sinabi ni Mateo na bago matapos ang Brigada Eskwela ay nagsagawa ng dry run ang mga paaralan sa Metro Manila kung saan itinuro na sa mga mag-aaral ang kanilang mga sild-aralan nang maiwasan ang pagkalito sa unang araw ng pasukan.

Bukod dito ibinahagi rin ng opisyal na tinutugunan ng DepEd ang kakulangan ng mga silid-aralan sa bansa partikular sa mga matataong lugar gaya ng Metro Manila.

“Ang problema natin wala na tayong space doon sa mga existing schools natin. Kaya ang ginagawa natin pinapayagan tayo ng mga kinauukulan dine-demolish na natin yung 1 storey building at nagtatayo ng multi-storey buildings.” dagdag ni Mateo.

Inihayag din ni Mateo na nangangailangan ang DepEd ng karagdagang 75-libong guro upang matugunan ang kakulangan ng mga guro sa bansa lalo’t ibinaba ng kagawaran ang teacher – pupil ratio na 1 guro sa bawat 33 mag-aaral sa elementarya habang 1 guro sa bawat 26 na mag-aaral sa sekondarya mas mababa sa pamantayan ng DepEd na 1:40.

Panalangin naman ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, chairman ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education na bigyang gabay ng Panginoon sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ang mga guro at mag-aaral na maging masigasig sa pag-aaral ngayong pasukan

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 13,091 total reads

 13,091 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 13,337 total reads

 13,337 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 31,848 total reads

 31,848 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 153,792 total reads

 153,792 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 204,154 total reads

 204,154 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 331,212 total reads

 331,212 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 415,078 total reads

 415,078 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top