VeritasPH

The Word, The Truth

Kakampi ang mga nagsusulong ng karapatan

SHARE THE TRUTH

 402 total views

Mga Kapanalig, nakakagulat ang pagdakip ng mga pulis sa senior citizen na si Ma. Salome Ujano, o mas kilala bilang Ate Sally para sa mga grupong nagsusulong ng karapatan ng kababaihan at mga bata. Nataon pa ang paghuli sa kanya sa pagdiriwang ng National Children’s Month.

Inaresto si Ate Sally noong ika-14 ng Nobyembre sa kanyang tahanan sa Malolos City, Bulacan. Ang warrant of arrest ay inilabas noon pang Hunyo ng 2006 o matapos ang mahigit 15 taon. Ayon sa PNP sangkot si Ate Sally sa isang insidente ng pag-ambush sa militar sa probinsya ng Quezon noong 2005. Sa opisyal na pahayag ng Central Luzon Police sa kanilang social media page, tinawag nilang isa sa mga top most wanted persons sa ating bansa si Ate Sally na nagtatago raw sa loob ng 15 taon.

Si Ate Sally ay national coordinator mula pa noong 2008 ng Philippines Against Child Trafficking (o PACT), isang alyansa ng mga NGO sa buong bansa na lumalaban sa trafficking o pambibiktima sa mga bata para sa sapilitang pagtatrabaho at sekswal na pang-aabuso. Mula 1990 hanggang 2007, si Ate Sally ay bahagi ng isa pang NGO na nagtataguyod naman ng karapatan ng mga babaeng naabuso, ang Women’s Crisis Center (o WCC).

Walang batayan ang mga paratang kay Ate Sally sapagkat siya ay nakikipagtrabaho pa nga sa mga pulis. Bilang bahagi ng WCC, siya ay nagsasagawa ng mga pagsasanay sa mga kasapi ng PNP Women and Children Protection Desk upang kanilang maisagawa nang mas mahusay ang pagtupad sa Violence Against Women and their Children Act, ang batas na nagbibigay proteksyon sa mga babae at bata. Bilang bahagi ng WCC, nakakatrabaho rin niya ang PNP Crime Laboratory sa Camp Crame sa pagtanggap sa mga babaeng biktima ng karahasan at panggagahasa upang bigyan sila ng shelter at psychosocial support.

Sa kasalukuyan, kinakatawan si Ate Sally ng PACT sa Civil Society Coalition on the Convention on the Rights of the Child (o CRC Coalition), isang koalisyon ng mga organisasyong nagsusulong ng karapatang pambata sa pamamagitan ng pag-monitor sa mga programa at patakaran ng gobyerno para sa mga bata. Bilang nagsusulong ng karapatang pambata, nagsasagawa ang CRC Coalition ng mga konsultasyon sa mga bata at sa mga iba pang ahensya katulad ng PNP. Kaya masasabi ba talagang nagtatago ang isang taong nangunguna sa pagtataguyod at pagsasanay sa mga taga-gobyerno upang magampanan nila ang kanilang tungkulin sa mga bata at mga babae?

Gaya ng pahayag ng Child Rights Network (o CRN), ang pag-aresto kay Ate Sally ay isang porma ng harassment sa mga nagsusulong ng karapatang pambata. Nagbibigay ito ng mensaheng tila isang krimen ang pagsuporta sa mga komunidad at ahensya upang labanan ang pang-aabuso at karahasan sa mga bata at kababaihan. Maaari itong magtanim ng takot sa mga human rights defenders at mga organisasyong ang tanging layunin ay ipaglaban ang karapatan ng mga bata at kababaihan. Kailangang imbestigahan nang maayos at patas ang kasong isinampa laban kay Ate Sally. Kung kaya itong gawin ng mga pulis sa isang senior citizen na mulat sa kanyang mga karapatan at kaagapay ng gobyerno sa pagpapatupad ng mga batas, paano na lamang sa mga ordinaryong mamamayan?

Mga Kapanalig, gaya ng mababasa sa Mga Kawikaan 29:27, “Ang masasama nama’y sa matuwid nagagalit.” Ngunit hindi galit ang nais nating anihin mula sa paggigiit ng ating mga karapatan. Ang nais natin ay katotohanan. Sabi nga ni Pope Francis sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, “truth… is inseparable companion of justice and mercy.” Sa pag-iral ng katotohanan, mamumulat tayong kakampi ng bawat isa sa atin ang mga nagsusulong ng karapatang pantao katulad ni Ate Sally.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 12,331 total views

 12,331 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 20,376 total views

 20,376 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 25,456 total views

 25,456 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 31,163 total views

 31,163 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 39,951 total views

 39,951 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 12,332 total views

 12,332 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 20,377 total views

 20,377 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 25,457 total views

 25,457 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 31,164 total views

 31,164 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 39,952 total views

 39,952 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 40,712 total views

 40,712 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,026 total views

 55,026 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 58,716 total views

 58,716 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,319 total views

 57,319 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,306 total views

 67,306 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,274 total views

 71,274 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,161 total views

 82,161 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 94,600 total views

 94,600 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,358 total views

 105,358 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 52,611 total views

 52,611 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top