Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,566 total reads

Homiliya para sa HUwebes sa Ika-15 Linggo ng KP, 17 Hulyo 2025, Eksodo 3:13-20; at Mat 11:28-30

Kung Linggo ang araw ng pagsamba para sa ating mga Kristiyano, Sabado naman ang sa mga Hudyo. Ito ang madalas na pagmulan ng pagtatalo sa pagitan ni Hesus at ng mga Pariseo. Maraming beses pinuna ng mga Pariseo si Hesus at ang kanyang mga alagad sa salang paglabag daw daw sa Batas ni Moises. Ang Sabado ay salitang Espanol na galing sa Hebreong salita na SHABAT, na ang literal na kahulugan ay PAHINGA dahil araw ito na walang trabaho upang sila daw ay makasamba sa Diyos. Ito ay ang pangatlo sa Sampung Utos. Hindi naman PAHINGA kundi PAGSAMBA ang nakasaad sa utos. “Thou shalt keep holy your day of rest.” Sa Tagalog, “Ilaan sa pagsamba (o pabanalin) ang araw ng iyong pahinga.”

Kaya hindi ako nagtataka na sa unang pagbasa, sa negosasyon ni Moises sa Hari ng Egipto para sa mga Hebreong alipin, ang dini-demand niya ay “Pagkakataon para makasamba.” Bahagi ng pagmamaltrato sa ginagawa sa mga alipin ay ang pagkaitan sila ng karapatang magpahinga. Alam naman ni Moises na siguradong hindi sila pagbibigyan kung ang demand niya ay kalayaan. Pero, bakasakali, kung ang hihilingin niya ay pagkakataon para makasamba, baka sakali ay pagbigyan. Magkakaroon sila ng kaunting pahinga, dahil ang pagsamba at pahinga ay iisa lang para sa kanila. Panahon para mapabanal ang kanilang trabaho, dahil sa paniwala nila na sa trabaho, nakikiisa sila sa paglikha ng Diyos na Banal sa daigdig.

Ang paggiit sa karapatan na magpahinga para makasamba ay simula na ng paggiit sa mas higit na karapatan—ang karapatan na lumaya mula sa pagkaalipin. Hindi mangyayari ito kung hindi muna sila matuto na mapabanalan ang trabaho nila para makita ang kabuluhan at layunin nito. Layunin ng paggawa ang itaas, hindi ibaba ang dangal ng tao.

Bumibigat talaga ang buhay natin kapag walang kabuluhan ang gawain natin, kapag walang layunin at walang pinag-aalayan. Ito ang ibig ituro ni Hesus sa kanyang mga alagad na susi ng tunay na kalayaaan. Ipinapalagay niya na bahagi naman talaga ng buhay ang trabaho, ang paggawa, ang pagbitbit ng mga pasanin para kumain at magpakain, para kumita ng mga pantustos sa gastusin ng pamilya. Bahagi ito ng prinsipyo ng kalayaan—na ang kalayaan ay hindi kalayawan, hindi ito tungkol sa paggawa sa gusto lang nating gawin. Wala ring kabuluhan ang buhay na walang responsibilidad, walang gawain, walang pananagutan.

Ang tunay na kalayaan ay may koneksyon pa rin sa trabaho, sa paggawa. Pero bilang tao, hindi sapat ang gumawa; mahalaga rin ang mapabanal ito, na makita ang layunin nito, ang halaga at kahulugan nito, na magampanan ito bilang taong nilikha sa wangis ng Diyos na mapanlikha sa paggawa.

Ito ang iniaalok na Shabat o pahinga ni Hesus sa kanyang mga alagad. Ito ang ibig niyang ituro sa kanila: pagiging taos-puso, pagiging mababa-ang-loob. Kapag nagpupursigi ang tao para sa mga mahal niya sa buhay, kapag bukal sa loob ang pagsusumikap niya, para siyang hindi napapagod. Bigay-todo siya sa gawain. Di ba ganoon naman talaga, kapag matamis sa loob mo ang ginagawa mo, kapag laan sa Diyos at sa kapwa tao, kahit mabigat, gumagaan. Pero kapag labag sa kalooban at sapilitan lamang, kahit magaan bumibigat. Ang buhay na may pananagutan, buhay na may pinaglalaanan—ito ang susi ng kalayaan para kay Hesus, at sikreto ng pagpapagaan ng ating mga bitbitin at pasanin sa buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 71,380 total reads

 71,380 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 166,772 total reads

 166,772 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 211,040 total reads

 211,040 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 234,149 total reads

 234,149 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 306,064 total reads

 306,064 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

THE VINEYARD IS NOT OURS

 16,705 total reads

 16,705 total reads Homily for the Closing of the Season of Creation 800th Anniversary of the Transitus of St. Francis of Assisi 27th Sunday in Ordinary

Read More »

FROM REVOLUTION TO RECONCILIATION

 15,978 total reads

 15,978 total reads My French friend Eric Nicolas, a native of Marseille, sent me a message yesterday that made me look at one particular moment of

Read More »
Scroll to Top