Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 289 total views

Homiliya Para sa Hatinggabi ng Pasko ng Pagsilang, Lukas 2:1-14

Naikwento ni Bishop Broderick Pabillo na minsan daw, sa isang recollection, ipinasulat niya sa mga participants sa kapirasong papel ang unang pumasok sa isip nila kapag nababanggit ang salitang “PASKO”. Halos lahat daw, ang isinulat ay “MASAYA”. Pero nang tanungin sila kung ano para sa kanila ang “NAGPAPASAYA SA PASKO?”, doon na daw nagkaiba-iba ang mga sagot. May nagsabing mga parol, Christmas lights at Christmas tree ang nagpapasaya. May nagsabing “Christmas parties”, “exchange gifts” at masarap na kainan. May nagsabing carolling, simbang gabi, at aguinaldo. Wala daw ni isa nagsabing ang nagpapasaya sa Pasko ay si Kristo at ang hatid niyang KALIGTASAN.

Kaya siguro madalas nating marinig ang panawagan—IBALIK SI KRISTO SA KRISMAS. Ano nga ba naman ang saysay ng Pasko kung alisin mo si Hesus? At ang pangalang HESUS ay galing sa Hebreong YESHUA, na ang ibig sabihin ay “ANG DIYOS AY NAGLILIGTAS.” Ang Pasko ay tungkol sa KALIGTASANG hatid ng pagdating ni Hesus sa daigdig.

Minsan, ako rin, tulad ng ginawa ni Bishop Pabillo, ay nagtanong sa mga participants sa isang recollection. Ang tanong ko naman ay, “Ano ang ibig sabihin ng KALIGTASAN para sa iyo?” Iisa lang ang nakuha kong sagot sa kanilang lahat: LANGIT. Mas elaborate lang nang konti ang sagot ng iba. Halimbawa, sabi ng isa, “Gantimpalang langit sa kabilang buhay.” May nagsabing “Ang sumalangit daw ang kaluluwa pagkamatay imbes na suma- impyerno.”

Ibig sabihin, ang karaniwang intindi ngayon sa kaligtasan ay ang mapunta ng langit ang kaluluwa ng tao, matapos na siya’y pumanaw sa pisikal na buhay dito sa mundo. Na para bang ang kaligtasan ay walang kinalaman sa aktwal na buhay dito sa mundo. Siguro dahil alam natin na ang katawan, ang daigdig, ang materyal at pisikal na buhay ay lilipas lang, mabubulok, mawawala. Palagay ko iyon ang dahilan kung bakit nawawalan ng paggalang sa kalikasan ang marami, at kung bakit malakas ang tendency natin na abusuhin ang ating pisikal na kalusugan. Di nga ba may mga taong ang katwiran ay, mamamatay din lang naman e ba’t di pa magpasasa?

Hindi malayo na ito rin ang dahil kung bakit sa kaisipan ng marami, ang relihiyon ay walang kinalaman sa buhay dito sa mundo o sa buhay panlipunan. Na para bang wala namang kuwenta ang buhay dito sa mundo. Kaya siguro napaka-negatibo ng kahulugan sa Tagalog ng “makamundo” o kahit ng Ingles na “worldly”, na para bang masama ang mundo.

Huwag ho sana kayong mabibigla pero ang ganitong pag-iisip ay hindi Kristiyano at malayong malayo sa kahulugan ng KALIGTASAN ayon sa Bibliya. Di ba ninyo narinig mula sa propeta Isaias sa ating first reading ang paglalarawan niya ng kaligtasan? “Liwanag sa isang bayang matagal nang nasa kadiliman…panunumbalik ng sigla at tuwa na tulad daw ng panahon ng anihan… Paglaya sa mga kaaway na umalipin sa kanila.“ Sabi pa ng propeta, “Ang kaligtasan ay tulad ng mga taong ‘naghahati ng nasamsam kayamanan.’”

Isipin mo kung gaanong saya nga naman ang idudulot kung maibalik sa mga taumbayan, lalo na sa mahihirap, ang lahat ng mga kayamanang ninakaw ng lahat ng mga nangurakot sa gubyerno? Lalo na sa mga panahong ito ng pandemya at kalamidad? Ganito ka-kongkreto ang mga larawan ng kaligtasan sa Bibliya. Kapag “nabali na daw ang panghambalos ng mga nagpapahirap sa kanila.” Kapag ang kapangyarihan sa pamamahala ay mapapasakamay na mga taong may mabuting kalooban o ng mga tunay na alagad ng kapayapaan na magpapalaganap ng katarungan at kaginhawaan at kapayapaan.

Sa ating second reading, sabi ni San Pablo, “Inihayag ng Diyos ang kanyang kagandahang-loob na nagdudulot ng KALIGTASAN sa lahat ng tao.” Hindi niya sinabing kaligtasan lang para sa mga Hudyo o para sa mga Kristiyano kundi PARA SA LAHAT NG TAO. Hindi lang gantimpalang langit para sa kaluluwa pagkamatay, kundi paghahari ng kalooban ng Diyos sa mundo upang ang dito sa lupa ay maging simula na ng langit.

Ito aniya ay mangyayari kung tatalikdan natin ang “likong pamumuhay.” Di ba ganoon ang pahayag ni Juan Bautista nang simulan natin ang adbiyento? Na ang daan ng kaligtasan ay ang landas ng pagpapantay, at pagpapatag: pagbababa sa matataas at pagtataas sa mga mababa, pagtutuwid sa baluktot at pagpipino sa magaspang?

Narinig din natin sa pahayag ng anghel sa mga pastol ng Belen na nagbukas ng pinto sa Anak ng Diyos? “Ako’y may dalang mabuting balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa LAHAT NG TAO.” Ayun, naulit na naman—hindi lang daw para sa iilan kundi para sa lahat. At para kanino ang mabuting balitang ito? Para sa mga taong may mabuting kalooban.

Ang tunay na saya na dulot ng Pasko ay ang kaligtasang hatid ni Kristo sa sangkatauhan. Sabi nga ng simula ng sulat sa mga Hebreo, “Noong una, naghahatid ng kaligtasan ang Diyos sa pamamagitan ng mga sugo at propeta. Ngunit nitong mga huling araw, nangusap siya sa atin sa pamamagitan ng sariling Anak niya.“ (Sabi ni Bishop Pabillo, “Ang kaligtasan ay hindi na mensahe kundi ang Diyos na mismo.”)

Binigyan ni Hesus ng anyo ang Diyos ng habag at malasakit. Hindi lang Salita ng Diyos ang ibinahagi niya sa mga nagugutom; pagkain din. Hindi lang aliw ang hatid niya sa mga maysakit; paghilom din. Hindi panghuhusga ang hatid niya sa makasalanan kundi patawad, pagbabalik-loob, at papakikipagkasundo.

Ito raw ang orihinal na exchange gifts sa pagitan ng Diyos at tao. “We gave him our humanity; he gave us his divinity.” (Pabillo) Ang sinumang handang mag-regalo sa Diyos ng kanilang abang pagkatao, ay reregaluhin din ng Diyos ng kanyang pagkaDiyos. Ang bawat taong may mabuting kalooban ay nagiging Belen, nagiging tahanan ng Diyos na nagliligtas. Nagiging kaisa ng Anak ng Diyos sa misyon ng pagliligtas, upang ang dito sa lupa ay maging para nang sa langit. Maligayang Paskong Pagsilang po sa ating lahat.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 3,088 total views

 3,088 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 10,570 total views

 10,570 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 23,710 total views

 23,710 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 29,683 total views

 29,683 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 35,438 total views

 35,438 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 960 total views

 960 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 961 total views

 961 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,715 total views

 3,715 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 8,130 total views

 8,130 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,456 total views

 3,456 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,979 total views

 3,979 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,478 total views

 5,478 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 6,322 total views

 6,322 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,577 total views

 4,577 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,790 total views

 8,790 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 8,022 total views

 8,022 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 12,232 total views

 12,232 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,680 total views

 5,680 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,684 total views

 5,684 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,684 total views

 5,684 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top