Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kanselasyon ng Nickelodeon Theme Park project, tagumpay ng taga-Palawan

SHARE THE TRUTH

 377 total views

Nakamit ng mamamayan sa Coron, Palawan ang tagumpay laban sa banta ng pagtatayo ng Nickelodeon Theme Park.

Labis na kasiyahan at pasasalamat ang nais ipahatid ng Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan dahil sa pag-atras ng Viacom International Media Network sa proyektong labis na sisira sa kalikasan at kabuhayan ng mga residente ng Coron.

Ikinagagalak ni Father Ed Pariño, Social Action Center Director ng Taytay, Palawan na sa unang pagkakataon ay napakinggan ang kahilingan ng mamamayan ng Coron.

Iginiit ng pari na hindi kailangan ng mga lokal na residente lalo na ng mga katutubong Tagbanua ang artipisyal na atraksyon dahil labis-labis na ang kagandahan ng kalikasang biyaya ng Panginoon.

“Ang ganitong uri ng mga proyekto ay hindi naman namin kinakailangan dito, sapat na sa amin at kami ay nasisiyahan na sa natural na ganda ng kalikasan dito sa amin sa Calamianes at sa buong Palawan,” pahayag ni Fr. Pariño sa Radyo Veritas.

Naniniwala ang Pari na kung magpapatuloy ang ipinamalas na determinasyon at pagkakaisa ng sambayanang Filipino ay maipapakita nitong anumang masamang hangarin para sa kalikasan ay makakayanang pigilan.

“Yung ganitong mga hakbangin ay isang bagay na kung saan ay panalo ng mga mamamayan dito sa bahagi ng Palawan, at kapag talagang nagkakaisa ang mga tao anu mang proyekto na sinasabi nating anti-social and anti-development ay hindi talaga matutuloy,” dagdag pa ng Pari.

Partikular namang pinasalamatan ni Fr. Pariño ang Greenpeace Philippines na tumulong sa Simbahan sa pagpapataas ng kamalayan ng mamamayan sa Coron kaugnay sa tunay na bantang kinakaharap ng kalikasan, at ang Radyo Veritas sa pagsisilbi nitong tagapaghatid ng mensahe ng Apostolic Vicariate of Taytay.

“Pinapasalamatan ko po ang iba’t ibang sektor dito po sa Coron, ang mga katutubong Tagbanua, Tourism Office, Local government ng Coron, at pati rin po ang aking mga kasamahan sa Social Action Center, at lalo na po ang Greenpeace na talagang gumabay sa amin para magkaroon kami ng kaalaman at kaliwanagan ukol sa proyektong ito. Lalo na sa Radio Veritas na talagang handang ipasahimpapawid ang aming mga hinaing at kahilingan para po sa kapakanan ng nakararami dito sa Coron,” pagbabahagi ng Pari.

Matatandaang aabot sa 400 hectares ang inisyal na planong tatayuan ng theme park sa nasabing lalawigan.

Naunang naninindigan ang Apostolic Vicariate of Taytay Palawan sa masamang epekto ng proyekto sa kalikasan, kabuhayan at kalusugan ng mga mamamayan.

Read:  Underwater Themed Park sa Palawan, kinondena ng Simbahan

Ipinaalala naman ni Pope Francis sa kanyang encyclical na Laudato Si na ang pangangalaga sa kalikasan ay nangangailangan ng isang uri ng pagtanaw sa kinabukasan, sa kung ano ang maaaring maging bunga ng anumang gawain sa susunod na henerasyon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 42,884 total views

 42,884 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 80,365 total views

 80,365 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 112,360 total views

 112,360 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 157,099 total views

 157,099 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 180,045 total views

 180,045 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 7,300 total views

 7,300 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 17,890 total views

 17,890 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 215,231 total views

 215,231 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 159,077 total views

 159,077 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top