Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Maghihintay pa ba tayo ng isang “Ninoy”?

SHARE THE TRUTH

 253 total views

Mga Kapanalig, ginugunita natin sa araw na ito ang pagkakapaslang kay Benigno “Ninoy” Aquino, Jr, asawa ni dating Pangulong Cory, mga bayani ng demokrasya sa Pilipinas.

Tatlumpu’t apat na taon na ang nakalipas, noong 1983, nang barilin sa ulo si Ninoy habang bumababa ng eroplano sa noo’y Manila International Airport kasama ang mga sundalong magdadala sa kanya sa bilangguan. Matapos ang tatlong taóng exile sa Amerika upang magpagamot matapos atakihin sa puso, bumalik siya sa Pilipinas upang tumakbo sa pagkapangulo at labanan ang diktador na si Ferdinand Marcos sa halalang gaganapin dapat noong 1984. Bago nito, kilalá si Ninoy na matapang na kritiko ni Marcos, ng kanyang autokratikong pamamalakad ng pamahalaan, at ng malawakang pagnanakaw ng kanyang pamilya at cronies sa kaban ng bayan sa harap ng lumalalang kalagayan ng maraming Pilipino. Dinakip si Ninoy sa araw na isinailalim ang Pilipinas sa batas militar at walong taóng ibinilanggo. At ang pagkakapatay sa kanya noong 1983, sa araw na ito, ang naging ningas ng paglaban ng mga Pilipino kay Marcos hanggang sa maganap nga ang mapayapang People Power Revolution noong 1986.

Agad na sumasagi sa ating isip ang salitang “demokrasya” sa tuwing mababanggit ang pangalan ni Ninoy. Marahil, magandang pagkakataon ang araw na ito upang balikan natin ang kanyang pagpapaliwanag kung anong uri ng demokrasya ang kanyang isinusulong noon. Sa panayam para sa isang pahayagan sa Amerika, inilarawan niya ang kanyang sarili bilang isang “Christian socialist.” Paliwanag niya sa isang hiwalay na forum, may tatlong pangunahing prinsipyong isinusulong ang isang Kristiyanong naniniwala sa pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao. Una, may pantay na pagkakataon ang lahat upang umunlad at lumago bilang tao; ibig sabihin, kahit ang pinakamahirap na tao ay dapat bigyan ng pantay na oportunidad upang makapag-aral. Ikalawa, nagmumula ang pagiging lehitimo o pagkamarapat ng pamahalaan sa balota, hindi sa bala. Ngunit, paalala ni Ninoy, dapat pa ring kilalanin at itaguyod ng mga nanalo sa halalan ang karapatan ng mga hindi sumuporta sa kanila. Ikatlo, hindi naniniwala ang isang Christian socialist sa pananamantala ng isang tao sa kanyang kapwa, sa isang uri ng kapitalismong pinapayaman pa lalo ang mga mayayaman habang patuloy na nalulugmok sa kahirapan ang mga mahihirap. Hindi naniniwala si Ninoy na isang tao o pamilya lamang ang dapat na may kontrol o monopolyo sa mga kumpanya ng kuryente, komunikasyon, o eroplano.

Kinikilala sa mga panlipunang katuruan ng Simbahan ang kakayahan ng isang demokratikong sistema ng pamahalaan na isulong ang dangal ng tao at ang kabutihan ng lahat. Sa isang demokrasya, may pagkakataon ang mga mamamayan na piliin ang kanilang mga pinuno. May mga itinatatag na mga sistema at institusyong magpapanagot sa mga nasa pamahalaan. Ngunit, kahawig ng sinabi ni Ninoy, ang tunay na demokrasya ay nakapagbubuo ng mga kundisyon kung saan mapauunlad ng mga tao ang kanilang sarili sa pamamagitan ng edukasyon at nalilinang ang sama-samang pananagutan (o shared responsibility) ng lahat.

Bagamat maaaring iba na ang mga nangyayari noong dekada ‘70 at ’80 sa mga nangyayari ngayon sa ating bayan, hindi natin maiwasang isiping akma pa rin sa kasalukuyan nating kalagayan ang mga sinabi ni Ninoy tungkol sa demokrasya. At kung pagninilayan natin ang mga nagaganap sa ating paligid at buhay-pulitika, para bang nananatiling pangarap pa rin ang isang lipunang may pagkakataon ang mga mahihirap na umunlad; ang isang lipunang iginagalang ang proseso ng halalan; ang isang lipunang walang napag-iiwanan, lahat kasama sa paglago ng bayan.
Mahigit 30 taon na mula nang patayin si Ninoy at mula nang maganap ang mapayapang rebolusyon sa EDSA, ngunit mukhang malayo pa ang ating lalakbayin, matagal pa ang panahong kailangang gugulin upang makamit ang pangarap ni Ninoy para sa ating bayan. Maghihintay pa ba tayo ng isang “Ninoy” upang maganap ang tunay na pagbabago sa ating bayan?

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

“Same pattern” kapag may kalamidad

 9,041 total views

 9,041 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 23,809 total views

 23,809 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 30,932 total views

 30,932 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 38,135 total views

 38,135 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »

Bulag na tagasunod

 43,489 total views

 43,489 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Same pattern” kapag may kalamidad

 9,042 total views

 9,042 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 23,810 total views

 23,810 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 30,933 total views

 30,933 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 38,136 total views

 38,136 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 43,490 total views

 43,490 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 43,327 total views

 43,327 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 35,661 total views

 35,661 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 75,241 total views

 75,241 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 82,795 total views

 82,795 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 78,678 total views

 78,678 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng mga Baybaying Komunidad

 90,225 total views

 90,225 total views Bilang arkipelago, tayo ay napapaligiran ng mga katubigan. Ang ating mga dalampasigan ay hindi lamang nagtataglay ng likas na kagandahan, nagsisilbi ring silang pangunahing kabuhayan ng maraming komunidad. Ang mga baybaying komunidad ay umaasa sa karagatan para sa kanilang ikinabubuhay, mula sa pangingisda, pag-aalaga ng mga yamang-dagat, hanggang sa turismo. Subalit, ang kanilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Seniors

 94,332 total views

 94,332 total views Ang mga nakakatanda o senior citizens ay isang mahalagang bahagi ng ating lipunan. Sila ay ating mga haligi ng pamilya na nagtaguyod ng mga henerasyon. Hindi matatawaran ang kanilang naging ambag sa sa kasaysayan at pag-unlad ng bansa. Sa kabila ng kanilang kahalagahan, ang mga senior citizens sa Pilipinas ay nahaharap sa iba’t

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sanitasyon

 71,229 total views

 71,229 total views Ang sanitasyon ay isang mahalagang aspeto ng kalusugan ng tao na may direktang epekto sa kalidad ng buhay ng mamamayan at public health. Dito sa ating bayan, ang sanitasyon ay malaking hamon lalo pa’t marami sa ating mga komunidad ay may limitadong access na malinis na tubig at maayos na palikuran. Alam mo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Leptospirosis: problema sa pag-uugali o pagbabaha?

 71,197 total views

 71,197 total views Mga Kapanalig, matapos ang malalakas na ulan at malalang pagbaha dala ng bagyo at habagat noong Hulyo, dumami muli ang kaso ng leptospirosis sa bansa. Sabi ng Department of Health (o DOH) noong nakaraang linggo, mahigit 2,100 na kaso na ang naitala mula sa simula ng taon hanggang noong Agosto 3. Bagamat mas

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

We deserve better

 70,548 total views

 70,548 total views Mga Kapanalig, sa isang open letter o sulat bilang pasasalamat sa mga nagpahayag ng pagsuporta sa kanya matapos niyang sabihing may mga banta sa kanyang kaligtasan, hindi pinalampas ni Vice President Sara Duterte ang pagkakatong pasaringan ang gobyerno. Pinuna niya ang pamahalaan dahil hinahayaan daw nitong magutom, mabuhay sa kahirapan, at mabiktima ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top