Kapabayaan ng pamahalaan sa agri-sector, binatikos ng mga magsasaka

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,425 total reads

Dismayado ang mga farmer’s group sa kapabayaan ng pamahalaan at Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) sa tugunan ang kalagayan ng mga magsasaka sa bansa.

Ito ang negatibong tugon ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas at Federation of Free Farmers sa pag-aaral ng World Bank na hindi sapat ang serbisyo at hindi nagagamit ng wasto ng pamahalaan ang pondo para sa kapakinabangan ng mga magsasaka.

Natuklasan din ng WB na napakabagal ng pamamahagi ng PCIC ng financial aid sa mga magsasakang apektado ng ibat-ibang uri ng kalamidad.

Ikinadismaya ni Danilo Ramos, chairperson ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang mabagal na pamamahagi ng PCIC sa financial aid sa mga magsasaka at kulang na tulong mula sa pamahalaan.

“Palakasin ang local food production tungo sa food self-sufficiency, food sustainability at hindi importasyon. Try 15K-peso production subsidy per farmer at mangingisda (9.7 million) na gagamitin bilang pang-araro/paglinang ng rice field, pambili binhi at punla,” mungkahi mensahe ni Ramos.

Binatikos naman ni Raul Montemayor, national manager ng Federation of Free Farmers ang mungkahi ng Department of Finance (DOF) na bawasan ang financial aid para sa mga magsasaka at gawing pribado ang PCIC.

Iginiit ni Montemayor na mas nanaisin ng mga magsasaka na huwag maging miyembro ng PCIC kapag tuluyang ipinatupad ang mungkahi ng DOF.

Naniniwala si Montemayor na ang hakbang ay magdudulot ng kabawasan sa suplay ng pagkain bunsod ng kakulangan ng seguridad at tulong na aagapay upang makabangon ang mga magsasaka sa pagkaluging dulot ng kalamidad.

“Magmamahal ang crop insurance at baka hindi na magpa-insure ang mga magsasaka kung gagawing private sector ang crop insurance, siguradong lolobo rin ang premium na sisingilin nila dahil alam nila na napaka-risky ang agriculture at maniniguro sila para hindi sila malugi,” pahayag ni Montemayor sa Radio Veritas.

Unang nanawagan si San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari sa mga nanalong opisyal noong National and Local election na huwag kalimutang bumaba at dinggin ang hinaing at pangangailangan ng mga manggagawa sa agrikultura.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 11,673 total reads

 11,673 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 92,951 total reads

 92,951 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 187,176 total reads

 187,176 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 247,666 total reads

 247,666 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 260,996 total reads

 260,996 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top