Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pamamahayag na walang kinikilingan

SHARE THE TRUTH

 500 total views

Mga Kapanalig, prioridad ni Atty. Trixie Cruz-Angeles, ang incoming Presidential Communications Operation Office (o PCOO) chief, na bigyan ng accreditation ang mga vloggers para makadalo sa mga press briefings sa Malacañang at iba pang aktibidad ng President-elect na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Nang tanungin naman kung papayagan ba ng PCOO, sa ilalim ng kanyang pamumuno, ang lahat ng mamamahayag at media groups na pisikal na i-cover ang mga kaganapan ng pangulo, sinabi ni Angeles, na isa ring vlogger, na pag-aaralan pa raw ang mga umiiral na patakaran saka nila tutukuyin kung ano ang nararapat.

Nagbibigay-daan sa mga Pilipino na magkaroon ng akses sa impormasyon ang patuloy na paglago ng online video platforms katulad ng YouTube. Hindi gaya ng mga nasa diyaryo at iba pang tradisyunal na porma ng babasahín, nakakukuha ng impormasyon ang mga tao sa pamamagitan ng panonood at pakikinig sa mga videos o vlogs na mahahanap sa YouTube. Nagagawa rin nilang makipag-ugnayan sa kapwa manonood sa pamamagitan ng comments section at live chats. Dahil dito, mas naging kaakit-akit ang mga online videos sa maraming tao.

Ayon sa datos na inilabas ng YouTube noong 2021, mayroong 45 milyong adult viewers ang YouTube sa Pilipinas. Sa isang pag-aaral na ginawa ng Far Eastern University Public Policy Center, may tinatawag na “alternative videos” kung saan malayang nakagagawa ng mga content o videos ang mga ordinaryong tao. Hindi ito katulad ng malalaking media companies katulad ng Inquirer, Rappler, ABS-CBN, at GMA News na dumadaan sa masusing editing at proseso ng pagsisiyasat ng totoong impormasyon. Hindi nito kailangan ng mga resources at kapital upang kumalap at maglabas ng impormasyon. Anumang edukasyon at karanasan ang mayroon ang isang tao, pwede nang mag-vlog. Hindi na kailangan pang dumaan sa masusing proseso ang paggawa ng mga “alternative videos,” kaya naman dumami ang ganitong uri ng mapagkukunan ng impormasyon.

Sa pagsusuri sa mga alternative videos noong panahon ng eleksyon, nakitang sadyang ibinabaling ang diskusyon upang pumabor kay Bongbong Marcos. Nakatuon ang tema ng mga videos, una, sa “pagpapahiya” sa iba pang mga kandidato na pumupuna kay BBM; pangalawa, sa pagpapalaganap sa magagandang katangian niya at ng kanyang pamilya; at pangatlo, sa paggatong sa awayan sa pagitan ng iba pang mga kandidato.

Ayon sa National Union of Journalists of the Philippines (o NUJP), “democratizing access to government by way of vloggers is commendable in principle,” ngunit dapat daw itong tingnan sa kontekstong malaki ang posibilidad na ang mga vlogger na makikinabang sa akses na ito ay ang mga pro-Marcos, gaya ng nangyari noong kampanya. Kinikilala ng grupo na mabuti ang pagpapalawak ng akses sa impormasyon ngunit hindi raw dapat balewalain ang kahalagahan ng institutional media, na patuloy naisasantabi lalo na noong panahon ng kampanya dahil sa mabilis na pagkalat ng maling impormasyon online na naiuugnay sa mga vloggers.

Mga Kapanalig, at sa ating mga mamamahayag, tandaan natin ang mensahe ni Pope Francis sa isang papal audience noong 2019: “I urge you to work in accordance with the truth and justice so that communication may truly be a tool… for dialogue, not monologues; for guiding, not disorienting; for understanding, not misinterpreting; for walking in peace, not sowing hatred; for giving voice to the voiceless, not for giving a bullhorn to the one shouting the loudest.” Bilang tagapaghayag ng mga totoong pangyayari sa lipunan, hindi dapat kumikiling sa may pera at kapangyarihan ang mga mamamahayag. Hindi nila dapat pabayaang binabaluktot ang katotohanan. Gaya ng sabi sa Job 34:4, “alamin natin kung ano ang tama, pag-aralan natin kung ano ang mabuti.”

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 9,509 total views

 9,509 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 25,598 total views

 25,598 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 63,361 total views

 63,361 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 74,312 total views

 74,312 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 19,101 total views

 19,101 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

kabaliwan

 9,511 total views

 9,511 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 25,600 total views

 25,600 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 63,363 total views

 63,363 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 74,314 total views

 74,314 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 91,377 total views

 91,377 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 92,104 total views

 92,104 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 112,893 total views

 112,893 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 98,354 total views

 98,354 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 117,378 total views

 117,378 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »
Scroll to Top