Bamboost App, inilunsad ng USTP-CDO

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,943 total reads

Nagsagawa ng soft launching ang University of Science and Technology of Southern Philippines – Cagayan de Oro (USTP-CDO) para sa isang mobile marketplace application na layong makatulong sa pagtitinda ng produktong likha sa kawayan na nakabatay sa siyensiya at teknolohiya.

Ito ay ang Bamboost App na isa sa mga project output ng USTP-CDO na may paksang “Mainstreaming of Bamboost App as an Online Marketing Platform of Bamboo Farmers in Select Science & Technology Community-Based Farm (STCBF) Sites”.

Suportado at pinondohan ito ng Department of Science and Technology – Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (DOST-PCAARRD).

Ayon kay Professor Marylene Eder, Project Support Staff ng Bamboost Project, kasalukuyang nasa Phase 1 na ng development at user testing ang Bamboost App na layong ipakilala sa mga magsasaka, processor at negosyante ng kawayan.

“One of the objectives of this activity is to get feedback from the beneficiaries of the mobile app whom we consider as part of the team,” ayon kay Eder.

Naniniwala naman si DOST-PCAARRD Technology Transfer and Promotion Division (TTPD) Assistant Director Jose Tomas Cabagay na ang matagumpay na pagpapatupad sa proyektong Bamboost App ay makakatulong sa mga bamboo farmers at makikilala sa mga darating na panahon.

“This project is not only important for us because of its eventual success in terms of technology generation and commercialization, and an improvement in marketing strategies for our local commodities; but more importantly because this will contribute to the sustainable and inclusive development of bamboo farming communities and cooperatives,” ayon kay Cabagay.

Ang mga lalawigan ng Bukidnon, Iligan, at Iloilo ang mga unang target sites ng proyekto kung saan nilalayong gamitin ang nasabing app.

Sinabi naman ni USTP-CDO Department of Information Technology Associate Professor Love Jhoye Raboy na siyang namumuno sa Bamboost App Project na inaasahan nilang magiging matagumpay ang proyekto para sa pag-unlad ng bamboo farming community sa bansa.

“This is just the start, looking forward to the success of this project, and most of all to the success of the bamboo farming community. Help us help you to reach our locals, the nation, and the world,” saad ni Raboy.

Ginanap ang soft launching ng mobile marketplace application noong May 24, 2022 sa iDEYA: Center for Technopreneurship Innovation sa Mindanao State University – Iligan Institute of Technology (MSU-IIT).

Hinihikayat ng Kanyang Kabanalan Francisco ang lahat na gamitin ang makabagong teknolohiya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at pamumuhay ng mamamayan na may paggalang sa dignidad at kapakanan ng tao at kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 231,783 total reads

 231,783 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 263,514 total reads

 263,514 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 365,338 total reads

 365,338 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 405,901 total reads

 405,901 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 417,007 total reads

 417,007 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 143,386 total reads

 143,386 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top