Kapangyarihan ang impormasyon at kaalaman

SHARE THE TRUTH

 435 total views

Mga Kapanalig, malawak at malalim ang impluwensiya ng natatanggap nating mga impormasyon araw-araw. Hinuhubog ng mga ito ang ating mga desisyon, paniniwala, at pakahulugan sa ating buhay at mundong ginagalawan. Gayon na lamang ang kahalagahan ng pagtingin sa impormasyon bilang isang public good at ang pagtataguyod ng karapatan sa impormasyon, iprinoklama ng UN General Assembly ang ika-28 ng Setyembre bilang International Day for Universal Access to Information.

Ayon sa UN, ang pagkakaroon ng akses sa impormasyon ay nangangahulugang ang bawat isa ay may karapatang humingi, tumanggap, at magbahagi ng impormasyon. Mahalagang bahagi ng karapatang ito ang karapatan sa malayang pamamahayag. Sa kasamaang-palad, marami tayong nakikitang balakid sa malayang pamamahayag sa ating bansa. Tunay na malaking hamon ito sa panahon ngayon lalo na’t may mga pagkakataong ginigipit ang mga tao at organisasyong naglalabas ng totoong impormasyon.

Sa mga nakalipas na taon, marami nang naipasáng batas sa Pilipinas kaugnay ng pagbibigay ng akses sa mga pampublikong impormasyon, kung saan maaaring humingi ang mamamayan ng anumang impormasyon tungkol sa mga transaksyon at pamamalakad ng pamahalaan nang hindi nailalagay sa panganib ang pambansang seguridad. Sa katunayan, ang karapatan natin sa pampublikong impormasyon ay kinikilala sa Konstitusyon mula pa noong 1973. Bagamat sa pamamagitan ng mga batas na ito ay naoobliga ang mga opisyal at ahensiyanng isiwalat ang mga pampublikong impormasyon, marami dito ay hindi naipatutupad at naisusulong nang maayos. Dahil kulang ang pagpapaliwanag at pagpapakalat ng kaalaman tungkol sa mga batas na ito, maraming hindi nakaaalam na maaari nilang hingiin sa ahensya ng gobyerno ang mga pampublikong impormasyong dati ay tagô. Dagdag pa rito ang burukrasya o ang kumplikadong prosesong kailangang pagdaanan na minsan ay nagiging hadlang sa sinumang nais humihingi ng impormasyon.

Kaya naman, hindi na nakapagtatakang sa halip na sa mga website at news articles na may kredibilidad kumalap ng impormasyon ang mga tao, mas pinipili nilang tangkilikin ang mga impormasyong nakahain sa mga platapormang sa tingin nila ay mas abot-kamay katulad ng Facebook, YouTube, at iba pa. Ang nakababahala, nagkálat din sa mga ito ang fake news.

Bagamat mabilis nang makakuha ng impormasyon, tandaan nating hindi lahat ng ito ay totoo at tama. Kaya magsumikap tayong maging bahagi ng katotohanan at kaliwanagan sa ating kapwa. Magagawa natin ito kung tatangkilikin natin ang mga mapagkakatiwalaang sources of information. Maging mapanuri sa mga impormasyong nakikita at ibinabahagi natin sa internet at social media. Higit sa lahat, tawagin natin ang pansin ng mga opisyal ng pamahalaan na laging tiyakin ang katotohanan ng pinagmumulan ng kanilang impormasyon bago nila ilabas ang mga ito sa publiko.

Gaya nga ng sinasabi sa Juan 8:32, “ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” Malaya tayo kapag hinahangad natin ang katotohanan, at tinitiyak na totoo at tama ang mga pinaniniwalaan at ibinabahagi nating impormasyon. Ayon naman sa mga panlipunang katuruan ng Simbahan, mahalagang itanong kung ang kasalukuyang sistema ng impormasyon ay nag-aambag sa paglago ng tao. Ginagawa ba nitong mas ganap ang espiritwalidad ng mga tao? Nagkakaroon ba sila ng kamalayan sa dignidad ng sangkatauhan? Mas responsable o mas bukás ba sila sa iba, lalo na sa mga nangangailangan at mahihina?

Mga Kapanalig, sa pagkakataong mas abot-kamay na natin ang impormasyon dahil sa iba’t ibang plataporma ng social media, malaking kapangyarihan ang nasa ating kamay. Gamitin natin ito nang tama sa pagkilatis sa mga taong nasa posisyon, sa pagpapanagot sa mga tiwaling pulitiko at pinuno, at higit sa lahat, sa pagpili ng nararapat na lider ng ating bansa, lalo na sa darating na eleksyon. Tandaan nating marami tayong magagawang pagbabago bilang indibidwal gamit ang mga tamang impormasyong ating natatamo.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kultura ng pagpapanagot

 14,455 total views

 14,455 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »

Maging tapat sa taumbayan

 26,879 total views

 26,879 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Farm lots

 42,314 total views

 42,314 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »

Wage Gap

 43,554 total views

 43,554 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »

Education Equality

 53,565 total views

 53,565 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 14,456 total views

 14,456 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 26,880 total views

 26,880 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Farm lots

 42,315 total views

 42,315 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Wage Gap

 43,555 total views

 43,555 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Education Equality

 53,566 total views

 53,566 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bigyang-pansin ang pagpapabakuna

 51,050 total views

 51,050 total views Mga Kapanalig, ang inyong mga anak, gaya ng sabi sa Mga Awit 127:3, ay mga pagpapalang kaloob ni Yahweh. Bilang mga regalong galing sa ating Diyos, paano ninyo ipinakikita ang pagpapahalaga sa inyong mga anak? Siguro, ang pinakamadaling sagot dito ay ang pagbibigay ng kanilang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tirahan, at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive mobility

 65,809 total views

 65,809 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para sa content?

 56,303 total views

 56,303 total views Mga Kanapalig, napanood ba ninyo ang video ng mga vloggers mula sa South Cotabato kasama ang dalawang tarsier?  Makikita sa video ang isang vlogger na tumatawa habang hawak-hawak ang isang tarsier. Kausap niya ang may hawak ng camera na noong una ay ipinakikita lamang ang isa pang tarsier na nakakapit sa tangkay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabuhayan sa Bangketa

 75,700 total views

 75,700 total views Ang bangketa ay maraming bagay para sa mga Pilipino. Ito ay daanan, minsan tahanan, at kadalasan, tindahan ng maraming Pilipino. Dahil sa hirap ng buhay, oo, pati bangketa ay nagiging pwesto na ng maraming maliliit na negosyanteng Pilipino. Ang bangketa kasi ay daluyan ng tao, at kung saan may tao, may benta. Kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Street People

 86,815 total views

 86,815 total views Kapanalig, buksan natin ang ating mga mata. Dito sa Metro Manila, napakarami ng mga Pilipinong sa kalye nananahan, at tinatayang mga 250,000 dito ay mga children in street situations o CISS. Tahakin mo lang ang ilang major roads sa ating bayan, bubungad na agad sila. Mga Pilipinong nasa kalye ang hanapbuhay, at sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buhay sa Slum Settlements

 90,736 total views

 90,736 total views Madilim. Masikip. Marumi. Ito ay ilan lamang sa mga salitang naglalarawan sa mga slum areas sa ating bayan. Ang mga daanan sa ganitong lugar, motor o tao lamang ang kasya. Nagsasalubong na ang kanilang mga bubong kaya minsan, kahit araw, madilim sa mga eskinita. At dahil malayo sa daanan ng mga garbage collectors,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga katutubong pinaasa at pinalayas

 73,663 total views

 73,663 total views Mga Kapanalig, nagulat at nanlumo ang 44 na miyembro ng tribong Ati sa isla ng Boracay nang palayasin sila sa lupang inakala nilang napakasamay na nila. Linggo ng Palaspas nang dumating ang mga guwardyang naglagay ng mga piraso ng yero upang paligiran ang lupa. Hindi sila pinapasok ang mga katutubo kahit pa namagitan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Naglahong pera na naman?

 70,061 total views

 70,061 total views Mga Kapanalig, hindi pa naipaliliwanag ng Department of Education (o DepEd) ang 125 bilyong pisong confidential funds nito na nagastos sa loob ng labing-isang araw noong 2023, heto na naman at may bagong kontrobersyang minumulto ang sektor ng edukasyon. Speaking of “multo”, may kinalaman ang panibagong isyu sa mga tinatawag na “ghost students”. 

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sikretong kasunduan

 69,670 total views

 69,670 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo sa balita ang nangyari sa mga barko ng Pilipinas at sa mga sakay ng mga ito habang nagsasagawa ng tinatawag na rotation and resupply mission para sa ating mga sundalong nasa BRP Sierra Madre na nakahimpil sa Ayungin Shoal? Nangyari ang insidente Sabado bago ang mga Mahal na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Catastrophic Diseases

 92,497 total views

 92,497 total views Alam niyo kapanalig, ang pagkakasakit, lalo na pag malubha, ay isa sa mga pangunahing dahilan ng kahirapan ng marami nating mga kababayan. Ayon sa opisyal na datos, ang mga pangunahing cause of death sa ating bansa ay ang sakit sa puso o ischemic heart disease, kanser, at mga cerebrovascular diseases. 19% ng mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top