Kapangyarihan at Pananakot

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,423 total reads

Isa sa mga bangungot ng ating lipunan ang paghahari ng dilim, EJK, at pananakot nitong nakaraang administrasyon. Naaninag na naman natin ang mapaklang bahagi na ito ng ating kasaysayan nitong nakaraang weekend ng may nabalita na naman tayong nag-hahari-harian sa kalye, nanakot, at nanutok ng baril sa isang siklista dahil lamang sa away trapiko. Nang malaman natin na dating pulis pala ito, marami ang nagsabi, sinabi ko na nga ba, o eto na naman tayo.

Kapanalig, ginising lamang tayo ng pangyayari na ito mula sa paghimlay at apathy. Kung hindi ito nabalita, may mga kababayan pa rin tayong laging tatakutin gamit ang kapangyarihan, dahas, at pananakot. Ang rule of law sa ating bayan, hindi pa natin naibabalik ng tuluyan. Ayon sa World Justice Project (WJP) Rule of Law Index 2022. Pang 97 na tayo sa 140 countries pagdating sa rule of law. Malaking hakbang na ito mula sa 102 noong 2021, pero marami pa tayo dapat gawin.

Napakahalaga ng solidarity sa ganitong isyu kapanalig.  Ang mga biktima ng mga pananakot at dahas ay kadalasan, nasaktan na nga, tinatakot at binubusalan pa. Naiiwan silang mag-isa – walang ibang tatakbuhan at laging nag-aalala para sa sarili nilang kaligtasan, pati na kanilang mga pamilya. Para sa mga biktima, mahirap tumayo mag-isa. Tingnan niyo na lang ang kaso ni Kian delos Santos o ni Jerhode Jemboy Baltazar.

Ang suporta ng lipunan, para sa rule of law, para sa kaayusan at kapayapaan, para sa marangal at ligtas na bayan, ay napakahalaga. Kailangan nating tumindig na isang nagkakaisang lipunan para sa bayan na tunay na para sa tao. Huwag na sana natin hayaang mangyari pa ulit o dumami pa ulit ang mga kasong ganito.

Kapanalig, walang tunay na kaunlaran, walang tunay na kapayapaan kung may mga tao sa ating paligid na naghahari-harian at gumagamit ng kapangyarihan, dahas, at pananakot. Walang marangal na lipunan ang pumapayag na may naaapi ni isa man sa mga miyembro nito. Maaring sabihin ng iba kapanalig na napakaliit na bagay lamang ito. Wala namang namatay, bakit OA ang reaksyon. Pero tandaan, ayon nga sa Confronting a Culture of Violence ng mga US Catholic Bishops: Not all violence is deadly. It begins with anger, intolerance, impatience, unfair judgements and aggression. It is often reflected in our language, our entertainment, our driving, our competitive behavior, and the way we treat our environment. These acts and attitudes are not the same as abusive behavior or physical attacks, but they create a climate where violence prospers and peace suffers. Paalala din nito: We have an obligation to respond. Violence — in our homes, our schools and streets, our nation and world — is destroying the lives, dignity and hopes of millions of our sisters and brothers.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 84,980 total reads

 84,980 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 162,744 total reads

 162,744 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 196,192 total reads

 196,192 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 231,490 total reads

 231,490 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 454,665 total reads

 454,665 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 84,981 total reads

 84,981 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 162,745 total reads

 162,745 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 196,193 total reads

 196,193 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 231,491 total reads

 231,491 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top