Kapangyarihan ng pagpapatawad

SHARE THE TRUTH

 326 total views

Mga Kapanalig, isa sa pinakamahirap gawin ay ang humingi ng tawad. Marahil ay mas mahirap pa nga ito kaysa magpatawad.

Nang bumisita kamakailan si Pope Francis sa Canada, humingi siya ng tawad para sa mga pang-aabuso, pagsira sa mga pamilya, at pagpatay sa mga katutubo sa ngalan ng pagpapalaganap ng pananampalatayang Katoliko roon. Bilang pinuno ng Simbahang Katolika, ang isa sa pinakamalaking institusyon sa mundo, nagpamalas ang Santo Papa ng sukdulang pagpapakumbaba sa pag-ako niya sa mga kasamaang naganap sa kasaysayan ng mga katutubo sa Canada.

Nang sakupin ng mga lahing puti ang lupain ng mga katutubo sa Canada, ang mga Kristiyanong simbahan ay nagpatakbo ng mga tinatawag na residential schools o dormitoryo na pinondohan ng gobyerno. Inihiwalay ang mga katutubong bata mula sa kanilang mga pamilya at pinatirá sa mga dormitoryong ito. Layunin ng mga residential schools na ipalimot sa mga bata ang kanilang katutubong kultura at pamumuhay. May mga batang inabuso at namatay sa loob ng mga paaralang ito na naging bahagi ng malagim na kasaysayan ng pananakop sa mga katutubo ng Canada.

Isa sa mga survivors ng mga residential schools ang lider ng mga katutubo na humiling sa Santo Papa na humingi ng tawad sa kanila. Ang mga katutubo sa Canada ay tinatawag ngayong “First Nations” bilang pagkilala sa kanilang pagiging mga nasyon bago pa man dumating ang mga kolonyalistang sumakop sa kanila. Isang lider nila ang may dignidad na hiningi ang paghingi ng tawad ng Santo Papa at ng Simbahang Katolika. Ang inisyatibo ay nagmula sa mga sinaktan, marahil dahil handa na silang magpatawad. At tumugon naman si Pope Francis nang may wagas na pagpapakumbaba at pag-ako sa mga kasamaang naganap.

Napakaganda ng tagpong ito ng pagkakasundo at pagpapatawad na nakabatay sa katotohanan. Sana ay ganito rin ang mangyari sa ating bayan kung ang mga gumawa ng mga kalapastanganan, pagpatay, at paglabag sa karapatang pantao sa nakaraan ay aakuin ang mga pagmamalabis na naganap, sa halip na nagpapakalat ng kasinungalingan. Kung walang pagtanggap sa katotohanan, walang kapatawaran at walang pagkakasundong mangyayari.

Ipinaaalala sa atin ng Simbahang ang kapayapaan ay bunga ng pagkakasundong nakabatay sa katotohanan at katarungan. Ang kalayaang mag-imbestiga at alamin ang katotohanan ay isang batayang karapatan ng bawat tao.

Ngunit patuloy ang pagtatakip at pagtalikod sa katotohanan. Halimbawa, nagmamatigas ang dating administrasyon, na sinasang-ayunan ng bagong administrasyon, na hindi makiisa sa imbestigasyon ng International Criminal Court sa mga naganap na pagpatay at paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng war on drugs. Ito ay ‘di lamang pagkakait ng karapatan sa katotohanan kundi pagkakait din ng hustisya sa libu-libong napatay sa nasabing kampanya. Ito rin marahil ang dahilan ng ‘di matapos-tapos na pag-aaway sa Mindanao. May humingi na ba ng tawad sa mga karahasang nagawa doon sa mga kapatid nating Muslim at mga lumad?  O sa mga pagpatay sa parehong panig ng mga sundalong gobyerno at mga NPA?

Mga Kapanalig, hindi maaaring magpatawad ang nasaktan kung wala namang humihingi ng tawad. Ang pagpapatawad at pagkakasundo ay bunga ng malayang desisyon ng dalawang panig. Hindi maaaring hingin sa nasaktan na magpatawad at kalimutan ang sakit na naranasan kung walang umaako sa pananakit na nangyari. Sa Ebanghelyo ni San Lucas 15:21-24, ang ama ng alibughang anak ay ‘di nakuhang magmatigas sa kanyang anak sa harap ng pagbabalik-loob nito at paghingi ng kapatawaran. Ang nasirang relasyon ay nabuong muli. Kung walang pagpapakumbaba at pagbabago ng loob ng taong nakasakit, paano maibabalik ang nasira at nawala? Tunay ngang ang landas tungo sa kapayapaan ay nagsisimula sa pag-ako ng partisipasyon ng bawat isa sa kasamaan, at hindi sa pagbabato ng sisi sa kalaban.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kamag-anak, Inc.

 58,653 total views

 58,653 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Diplomasya ang susi

 62,632 total views

 62,632 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »

Educator sa DepEd

 73,524 total views

 73,524 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 85,966 total views

 85,966 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Hamon ng Climate Change

 96,728 total views

 96,728 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 58,654 total views

 58,654 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 62,633 total views

 62,633 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 73,525 total views

 73,525 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 85,967 total views

 85,967 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 96,729 total views

 96,729 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 51,126 total views

 51,126 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alagaan ang mental health ng mga estudyante

 50,671 total views

 50,671 total views Mga Kapanalig, sa pagtutok natin sa kalusugan ng mga bata at kabataan, nabibigyang-pansin din ba ang kalusugan ng kanilang pag-iisip o mental health? Kung ang sagot ninyo ay “hindi,” mukhang kailangan natin itong pansinin. Tumaas daw kasi ang suicide rate sa mga kabataan noong 2023. Ayon sa Unilab Foundation, may 404 na kaso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition

 52,895 total views

 52,895 total views Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang buwan, ilang beses na inilagay sa yellow at red alert ng National Grid Corporation of the Philippines ang Luzon at Visayas power grids. Ito raw ay dahil sa pagpalya ng ilang power plants at hindi sapat na suplay ng kuryente na nagdulot ng power interruptions at pagtaas ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy na panawagan para sa katarungan

 46,395 total views

 46,395 total views Mga Kapanalig, hinatulang guilty ng Caloocan Regional Trial Court ang apat na pulis mula Caloocan City sa salang homicide kaugnay ng pagkamatay noong 2016 nina Luis Bonifacio at kanyang anak na si Gabriel, 19 anyos, sa isang operasyon sa ilalim ng war on drugs ni dating Pangulong Duterte.  Kuwento ng misis ni Luis,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Hamon sa Kabataan

 45,746 total views

 45,746 total views Ang mga bata ay itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa. Sila ang kinabukasan at pag-asa ng lipunan. Sa Pilipinas, ang karapatan ng mga bata ay pinahahalagahan at pinoprotektahan ng batas. Pero sa kabila nito, marami pa ring bata ang nakararanas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso, karahasan, at diskriminasyon. Maraming hamon sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inequality sa ating Bayan

 51,614 total views

 51,614 total views Ang hindi pagkakapantay-pantay o inequality sa Pilipinas ay isang napakalalim at malawak na isyu. Malaki ang epekto nito sa lipunan, ekonomiya, at pulitika ng bansa. Sa kabila ng mga pagsisikap na ginagawa ng pamahalaan at iba’t ibang sektor upang mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan, nananatiling matindi ang agwat sa pagitan ng mayaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Katutubo

 55,360 total views

 55,360 total views Kapanalig, ang mga katutubo o indigenous peoples (IPs) ay kapwa natin Pilipino – pero hindi ba’t parang invisible sila sa ating bayan? Ang IPs ay kapatid natin sa kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan. Ang ating mga tradisyon, paniniwala, paraan ng pamumuhay ay ating mata-trace sa kanila. Ang ating common heritage ay nagpapakita ng yaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pera, hindi tao, ang mahalaga sa POGO

 61,310 total views

 61,310 total views Mga Kapanalig, sa raid na ginawa sa isa na namang POGO hub kamakailan, naka-recover ang mga awtoridad ng iligal na droga, libu-libong pera, alahas, at torture devices.  Nangyari ito sa POGO hub sa bayan ng Porac sa Pampanga. Nasamsam ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (o PAOCC) ang mga bagay na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga magsasaka

 41,497 total views

 41,497 total views Mga Kapanalig, malapit nang matapos ang pangalawang taon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, pero hinahanap pa rin ng marami sa atin ang pangako niyang gawing ₱20 kada kilo ang presyo ng bigas.  Malapit na raw itong mangyari. Pagsapit daw ng Agosto, inaasahan ng gobyernong bababa sa ₱29 kada kilo ang pinakamababang presyo ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panagutin ang dapat panagutin

 52,616 total views

 52,616 total views Mga Kapanalig, natatandaan pa ba ninyo ang kontrobersyal na kompanyang Pharmally Pharmaceutical Corporation? Maikling rewind lang po tayo. Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, bumili ang gobyerno sa Pharmally ng sandamakmak na medical PPE (o personal protective equipment), katulad ng face masks at face shields. Umabot sa 11.5 bilyong piso ang ibinayad sa naturang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top