Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,179 total reads

Homiliya para sa Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon – 20 Hulyo 2025

Genesis 18:1–10 | Lucas 10:38–42

Nagkwento sa akin minsan ang isang tatay ilang araw matapos mailibing ang 20-anyos na anak niya na namatay. Isang araw daw, habang nag-iiscroll siya sa social media, napanood niya ang video ng isang batang lalaki na nagtanong sa tatay niya kung magkano ang kinikita niya sa isang araw. Pagkasabi, binuksan daw ng bata ang kanyang alkansya at sinabi:

“Tay, bigay ko na po sa inyo itong naipon ko. Para di ka na muna pumasok sa trabaho kahit isang araw lang, para makapagbasketbol tayo gaya ng dati.”

Napaiyak daw ang tatay sa napanood niya, dahil bumalik sa isip niya ang huling pagkikita nila ng sariling anak niya na namatay. Iyung gabing iyon, kumatok daw ang kanyang anak sa pinto ng kanyang kwarto.

“Tay, pwede ba kitang makausap kahit sandali?”

Pero dahil sa dami ng trabaho, ang naisagot daw ng ama ay,

“Anak, abala ako. Kailangan kong tapusin ‘to.”

Hindi niya alam na iyon pala ay isang sigaw ng paghingi niya ng saklolo. Buntong-hininga ng anak niya mayroon palang mabigat na pinagdadaanan. Isang huling pagkakataong parang humahanap ng karamay—na hindi niya napagbigyan. Biktima pala ng depression ang anak niya at ito ay humantong sa suicide. Ang tindi ng pagsisi ng ama.

Sa Ebanghelyo ngayon, ganito rin ang sinabi ni Hesus kay Marta:

“Marta, Marta, abala ka sa maraming bagay, pero isang bagay lang naman ang tunay na kailangan… at ito ang ginagampanan din ng kapatid niyang si Maria.
Ano ba ang ginawa ni Maria? Umupo. Nakinig. Naglaan ng kanyang presensya.

Ang kwento ni Marta ay parang pambalanse sa naunang kuwento, ang talinghaga ng Mabuting Samaritano. Doon, ang pagdamay ay ipinakita sa pamamagitan ng gawa: nilanggasan ang sugat, binuhat ang biktima at dinala sa bahay-panuluyan. Kabaligtaran ng pari at Levita na nagpatuloy ng paglalakbay na walang ginawa.

Hindi kaya ito ang hinaing ni Marta tungkol sa kapatid? Na dahil hindi siya tinutulungan sa kusina, wala itong ginagawa. Hindi ganoon sa pagtingin ni Hesus. Ang Ngunit ang pagtanggap ay ipinadama ni Maria hindi sa pagluluto o paghahanda ng pagkain kundi sa pag-upo, pananatili sa piling ng kaibigan, pakikinig, at pakikipag-usap.

At kung titingnan natin ang unang pagbasa, makikita rin natin ang dalawang anyo ng pagtanggap na isinalubong ni Abraham sa tatlong dayuhan. Tumigil sa ginagawa pagkakita sa tatlong bisita—at hindi siya nagpatumpik-tumpik. Siya at si Sarah ay naglaan ng oras, pagkain, at presensya. Hindi nila alam, mga sugo pala ng Diyos ang kanilang pinaglilingkuran.

Sa pagtanggap nila ng bisita, dumating ang biyaya—ang pangakong anak na si Isaac.

Ganyan talaga ang hiwaga ng pakikinig at pagtigil. Sa mundo ng abala at pagmamadali, ang paglalaan ng kahit nagpatuloy kaunting sandali sa kapwa ay maaaring maging bukal ng buhay at biyaya. Sa pag-upo kasama ng kapwa, dumadalaw ang Diyos. Ang binahaginan mo ng biyaya ay pagmumulan ng mas higit pang biyaya.

Mga kapatid, hindi lahat ng pagdamay ay kailangang aktibo. Minsan, ang pinakamabigat na pasanin ay napapawi ng isang taong marunong makinig. Hindi ng maraming salita, kundi ng taimtim na presensya.

Ito ang paanyaya ng Salita ng Diyos ngayon:

Tumigil. Makinig. Dumamay, umalalay. Hindi para lutasin ang problema ng kapwa, kundi upang ipadama:
“Nandito ako. Karamay mo ako.”

Sabi nga ng kanta:

Kasama mo ako sa hirap at ginhawa,

At may karamay ka sa ‘yong pagdurusa…

Marami sa ating kapwa ang kumakatok sa ating pansin—mga anak, asawa, kaibigan, parishioner—hindi para hingan tayo ng sagot o pera, kundi upang maramdaman lang na sila ay hindi nag-iisa.
Huwag nating maliitin ang halaga ng pakikinig at taos-pusong pagdamay kahit sandaling presensya lang.

Hindi naman kailangan na ang lahat ay gumampan sa papel ni Marta. Mahalaga rin ang papel na ginagampanan ng mga Maria—tumigil sandali, makinig, at magparamdam na naroon ka sa piling nila, handang dumamay at umalalay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 32,562 total reads

 32,562 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 68,537 total reads

 68,537 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 122,372 total reads

 122,372 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 184,329 total reads

 184,329 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 252,069 total reads

 252,069 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SINO?

 11,710 total reads

 11,710 total reads Homiliya para sa Ika-18ng linggo ng Karaniwang Panahon, 2 Agosto 2026, Mateo 14:13-21 Ang kulturang Pinoy ang makapagpapaunawa sa atin sa eksenang inilalarawan

Read More »

PAGSASAAYOS

 11,343 total reads

 11,343 total reads Dalawang talinghaga ang pagbasa sa ebanghelyo: ang mangingisda at ang maybahay. Parehong may kinalaman sa pagpili. Pagpili ng mangingisda sa mga nahuli ng

Read More »

MISTERYO AT SAKRAMENTO

 36,543 total reads

 36,543 total reads Homiliya para sa Solemnidad ng Kabanal-banalang Santatlo, 31 Mayo 2026, Juan 3:16-18. “Ang biyaya ng ating Panginoong Hesukristo, ang Pag-ibig ng Diyos Ama,

Read More »

DUE PROCESS

 100,564 total reads

 100,564 total reads Homiliya para sa Biyernes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay, 22 Mayo 2026, Juan 21:15-19 Dati, noong bata ka pa, binibihisan mo ang sarili

Read More »
Scroll to Top