VeritasPH

The Word, The Truth

Karapatang pantao ang karapatang mabuhay

SHARE THE TRUTH

 14,342 total views

Mga Kapanalig, isa marahil sa pinakatumatak sa atin sa SONA ni Pangulong Duterte noong nakaraang linggo ay ang patutsada niya sa mga kritiko ng kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga at sa mga nagtataguyod ng karapatang pantao. Aniya, “Your concern is human rights, mine is human lives.” Nakababahala ang pahayag na ito dahil ipinakikita nito ang maling pag-unawa sa karapatang pantao.

Una sa lahat, ang karapatang mabuhay ay isa sa mga batayang karapatan ng isang tao. Sa Article 3 ng Universal Declaration of Human Rights na pinirmahan at niratipika ng ating Bansa, nakasaad na “ang bawat tao’y may karapatan sa buhay, kalayaan, at kapanatagan ng sarili.” Sa Ingles, “Everyone has a Right to life, Liberty, and Security of person.” Sa ating Saligang Batas, partikular sa Article III o Bill of Rights, nakasaad na walang sinuman ang maaaring bawian ng buhay, kalayaan, at ari-arian nang hindi naaayon sa kaparaanan ng batas o due process. Sa sinabi ng pangulo, inihihiwalay niya ang karapatang pantao sa ating karapatang mabuhay. Dapat nating ituwid ito. Sabi nga ni Bishop Ruperto Santos ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, hindi maaaring paghiwalayin ang karapatang pantao sa ating karapatang mabuhay, at ang pagtataguyod ng karapatang pantao ay bahagi ng pagpapahalaga natin sa buhay ng bawat isa.

Pangalawa, lahat ay may karapatang mabuhay. Para kay Bishop Pablo Virgilio David ng Caloocan, patunay ang mga sinabi ni Pangulong Duterte na hindi niya itinuturing na “Human lives” ang buhay ng mga pinatay na umano’y sangkot sa droga at nanlaban sa mga pulis. At hindi kailanman sasang-ayunan ng ating Simbahan ang ganitong pangangatwiran. Itinuturing ng ating Santa Iglesia na usaping pangkalusugan ang paggamit ng mga tao ng ilegal na droga at kinakailangang bigyan ito ng lunas, hindi gamitan ng dahas. Rehabilitasyon ang kailangan ng mga gumagamit ng ilegal na droga, at noon pa man, katuwang na ang Simbahan ng pamahalaan sa paglutas sa problemang ito.

Panghuli, sa halip na inililigtas ng kampanya ng pamahalaan laban sa droga ang buhay ng mga Pilipino, lalo pa itong ikinapapahamak ng ating mga kababayan. Sabi ng Pangulo, sinisira ng droga ang pamilya at kinabukasan ng mga kabataan—at tama naman ito—ngunit ilang bata pa ang kailangang mamatay upang makitang hindi ang kabataan ang nasa puso ng marahas na patakarang ito? Ilang Kian, Danica Mae, at Althea ang kinakailangang nakawan ng kinabukasan upang maituwid ang hindi makataong kampanyang ito?

Pagbabanta pa ni Pangulong Duterte, magpapatuloy ang walang-awa at madugong kampanya ng pamahalaan upang puksain ang ilegal na droga. Sa madaling salita, marami pa ang mamamatay, kaya’t dapat tayong manatiling mulat at matatag sa pagbabantay ng karapatan ng bawat isa sa atin na mabuhay.

Kung patuloy ang Pamahalaan sa pagpapalaganap ng kultura ng kamatayan, patuloy naman ang Simbahan sa pagpapaalalang sagrado ang buhay ng tao. Isa nga sa sampung utos ng Diyos ay “huwag kang papatay,” at malinaw na nilalabag ito ng kampanya ng pamahalaan laban sa ipinagbabawal na gamot, isang kampanyang lumalapastangan sa buhay ng tao.

Sabi nga ni San Ignacio de Loyola, na ang kapistahan ay ipinadiriwang natin ngayon, ipahayag natin ang pag-ibig sa Diyos sa ating gawa, hindi lamang sa salita. Hinahamon tayong ipakita ang ating pag-ibig sa Diyos, hindi lamang sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang kalooban, ngunit sa pamamagitan ng pagmamahal sa ating kapwang katulad natin ay may dignidad at karapatang mabuhay. Kung hindi maihihiwalay ang ating karapatang mabuhay sa karapatang pantao, hindi rin natin maihihiwalay ang pag-ibig natin sa Diyos sa pagmamahal sa ating kapwa, dahil sa mukha ng ating kapwa, lalo na sa mga mahihirap na biktima ng madugong kampanya ito, natin makikita ang mukha ng Diyos.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 3,024 total views

 3,024 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 10,560 total views

 10,560 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 26,546 total views

 26,546 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 34,591 total views

 34,591 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 39,671 total views

 39,671 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 3,026 total views

 3,026 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 10,562 total views

 10,562 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 26,548 total views

 26,548 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 34,593 total views

 34,593 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 39,673 total views

 39,673 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 43,093 total views

 43,093 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,879 total views

 44,879 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,804 total views

 41,804 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 56,118 total views

 56,118 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,808 total views

 59,808 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,411 total views

 58,411 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,398 total views

 68,398 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 72,366 total views

 72,366 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,253 total views

 83,253 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,692 total views

 95,692 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top