Pilipinas, Mapalad sa pagkakaroon ng malaking Populasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,174 total reads

Mapalad ang Bansa sa pagkakaroon ng malaking populasyon.

Ito ang inihayag ni Buhay Partylist Representative Lito Atienza sa ulat ng Population Commission na nasa 106.4-milyon na ang bilang ng mga Filipino.

“So we must welcome life as We should always welcome life,” ayon sa mambabatas.

Iginiit ng mambabatas na dapat itong positibong tingnan lalu’t ang kayamanan ng bansa ay ang populasyon.

“Kailangang tanggapin natin ito bilang Positive Development sa Bansa at mayroon tayong pag-asang umunlad. Mas maraming tao mas madaling paunlarin ang isang Bansa at isang Ekonomiya,” ayon kay Atienza.

Iginiit ni Atienza na blessings ang paglaki ng populasyon ng bansa na nangangailangan ng maayos na pamamahala at mabuting lider.

“All we need is Good Government in place and a Good leader in Government,” dagdag pa ni Atienza.

Ipinagdiwang ng Simbahang Katolika ngayong buwan ng Hulyo ang ika-50 taon ng ensiklikal ni Pope Paul VI na Humanae Vitae o ‘Of Human Life’ na tumatalakay sa kahalagahan ng buhay mula sa paglilihi hanggang sa natural na kamatayan.

Isinusulong din sa Ensiklikal ang ‘Responsible Parenthood’ o ang tamang pag-aagwat ng pamilya gamit ang natural na paraan ng Family planning.

Para naman sa buwan ng Agosto pangunahing panalangin ng Santo Papa Francisco ang pamilya bilang kayamanan ng sangkatauhan.

Umaasa din si Pope Francis na tuwinang dapat isaalang-alang ang pangangalaga at kaligtasan ng bawat pamilya sa anumang batas na ipaiiral ng mga gobyerno lalu na sa mga Polisiya at pagpapaunlad ng ekonomiya.

Naninindigan din ang Santo Papa na ang pamilya ay ang pundasyon ng ating pananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 4,357 total reads

 4,357 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 41,737 total reads

 41,737 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 73,008 total reads

 73,008 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 150,268 total reads

 150,268 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 244,272 total reads

 244,272 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top