Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 85,053 total views

Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran?

Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee ang pagdinig sa “war on drugs” ng dating administrasyong Duterte. Sa kanyang pagharap sa komite, sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na sinubukan daw niyang gawin ang lahat ng kanyang makakaya para tugunan ang problema sa iligal na droga sa bansa. Gusto niya itong iwan na parang pamana bago siya umalis hindi lamang sa puwesto kundi sa mundong ito. Hindi raw iyon naging perpekto. Marami raw pagkakamali at baka marami ngang krimeng ibinunga ang giyerang inilunsad niya. Sa kabila ng mga ito, inako niya ang “full legal [and] moral responsibility” para sa kinalabasan ng kampanya niyang iyon.

Malakas ang loob niyang sabihin ang mga salitang ito dahil mga kilaláng kakampi niya ang halos lahat ng senador. May isa ngang nagsabing dahil sa war on drugs, “natakot ang napakaraming mga kriminal, durugista, at pusher.” Wala pa nga raw ginagawa ang mga pulis noon; nagbanta lamang daw si dating Pangulong Duterte matapos niyang manalo sa eleksyon. Puro daw mga biktima ng war on drugs ang pinag-uusapan pero hindi nabibigyan ng pansin ang mga biktima ng mga durugista. Ang isa namang senador, tila nag-abogado pa para sa dating pangulo. Hinayaan lang din si dating Pangulong Duterte na magmura at bastusin ang tanging senador na nagtatanong ng mga tamang tanong.   

Natapos ni Pangulong Duterte ang kanyang anim na taóng termino nang may napakataas na approval rating. Sa katunayan, sa buong termino niya, nanatiling sikat ang dating presidente sa kabila ng hindi maayos na pagtugon sa pandemya, mga alegasyon ng katiwalian, at kaliwa’t kanang patayan para linisin daw ang problema natin sa droga. Hanggang ngayon nga, kasama siya sa mga nanguguna sa mga senatoriables. Bumuhos din ang mga mensahe ng suporta para sa kanya sa social media noong humarap siya sa hearing ng Senado. Sila rin ang tumadtad ng batikos sa mga inimbitahang resource persons na nagpatunay sa kawalang-paggalang ng kampanya kontra droga sa buhay at dignidad ng tao—matanda o bata man.

Hindi lamang ang karakter ng dating pangulo ang ating nakikita sa isinagawang pagdinig ng Senado—isang karakter na matagal na nating alam. Ang nakikita natin ay ang karakter nating mga Pilipino—hindi man ng lahat ng Pilipino pero tiyak na hindi sila kakaunti. Ang patuloy na kasikatan ng dating pangulo at ang pagkakaluklok ng kanyang mga kakampi sa puwesto ay mga malinaw na patunay. Kayâ ang mga lider nating ginagawa ang kanilang trabaho para papanagutin ang mga naghikayat ng pagpatay sa mga kababayan natin ay tila bumabangga sa hindi matibag-tibag na pader. 

Lagi nating ipinagmamalaking mayorya ng mga Pilipino ay Kristiyano. Pero wala itong saysay kung marami rin sa atin ang pumapabor sa karahasan para solusyunan ang mga itinuturing nating problema ng bayan. Hindi kailanman itinuro ni Hesus ang paggamit ng karahasan. Sabi nga sa 1 Juan 4:20, “Ang nagsasabing, ‘Iniibig ko ang Diyos,’ subalit napopoot naman sa kanyang kapatid ay sinungaling. Kung ang kapatid na kanyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita?” Sa Catholic social teaching naman na Fratelli Tutti, ipinaaalala ng ating Simbahan na dapat tiyakin ng bawat lipunan na ang mga mabubuting pinahahalagahan nito—o values—ay naipapasa o naipamamana. Kung hindi ito mangyayari, ang maipapasa ay pagkakanya-kanya, karahasan, katiwalian, at pagkawalang-pakialam. Ito ba ang gusto natin? 

Mga Kapanalig, walang Kristiyanong kasabwat sa patayan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Karapatang pantao tungo sa kabutihang panlahat

 10,103 total views

 10,103 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang Human Rights Day, na may temang “Our rights, our future, right now”. Sa kanyang mensahe para sa araw na ito, binigyang-diin ng Human Rights Chief ng United Nations (o UN) na si Volker Türk ang papel ng mga karapatang pantao sa pagtataguyod ng kabutihan sa mundo. Magandang

Read More »

Pueblo Amante de Maria

 18,813 total views

 18,813 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria o Immaculate Conception. Ang Birheng Maria ang pangunahing patrona ng ating bansa. Itinalaga ni Pope Pius XII ang Immaculate Conception bilang principal patroness ng Pilipinas noong taong 1942. Ngayong 2024 naman ang ika-170 taóng anibersaryo ng pagkakatatag

Read More »

POGO’s

 27,572 total views

 27,572 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »

Culture Of Waste

 35,965 total views

 35,965 total views Isa ang Pilipinas sa mga 3rd world countries o mga bansang mataas ang poverty rate., Batay sa 2024 Global Hunger Index (GHI), 67 ang rank ng Pilipinas mula sa 127-bansang may mataas na hunger rate. Sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa unang quarter ng taong 2024, natuklasan na 14.2-percent o 3.5-milyon

Read More »

Trustworthy

 43,982 total views

 43,982 total views Servant leader (mabuting katiwala) mapagkakatiwalaan, maaasahan…Ang totoong public servant ay nararapat TRUSTWORTHY., walang bahid ang pagkatao;incorruptible, …mabuting katiwala ng mamamayan sa pagpapadaloy ng serbisyong publiko. Umiiral pa ba ang katangiang ito sa kasalukuyang mga kawani, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga halal na opisyal? Kapanalig, aminin man natin o hindi.., bahagi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karapatang pantao tungo sa kabutihang panlahat

 10,104 total views

 10,104 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang Human Rights Day, na may temang “Our rights, our future, right now”. Sa kanyang mensahe para sa araw na ito, binigyang-diin ng Human Rights Chief ng United Nations (o UN) na si Volker Türk ang papel ng mga karapatang pantao sa pagtataguyod ng kabutihan sa mundo. Magandang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pueblo Amante de Maria

 18,814 total views

 18,814 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria o Immaculate Conception. Ang Birheng Maria ang pangunahing patrona ng ating bansa. Itinalaga ni Pope Pius XII ang Immaculate Conception bilang principal patroness ng Pilipinas noong taong 1942. Ngayong 2024 naman ang ika-170 taóng anibersaryo ng pagkakatatag

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

POGO’s

 27,573 total views

 27,573 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Culture Of Waste

 35,966 total views

 35,966 total views Isa ang Pilipinas sa mga 3rd world countries o mga bansang mataas ang poverty rate., Batay sa 2024 Global Hunger Index (GHI), 67 ang rank ng Pilipinas mula sa 127-bansang may mataas na hunger rate. Sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa unang quarter ng taong 2024, natuklasan na 14.2-percent o 3.5-milyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trustworthy

 43,983 total views

 43,983 total views Servant leader (mabuting katiwala) mapagkakatiwalaan, maaasahan…Ang totoong public servant ay nararapat TRUSTWORTHY., walang bahid ang pagkatao;incorruptible, …mabuting katiwala ng mamamayan sa pagpapadaloy ng serbisyong publiko. Umiiral pa ba ang katangiang ito sa kasalukuyang mga kawani, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga halal na opisyal? Kapanalig, aminin man natin o hindi.., bahagi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi biro ang krisis sa klima

 44,491 total views

 44,491 total views Mga Kapanalig, natapos noong isang linggo ang ika-19 na Conference of Parties (o COP 29). Ang COP ay taunang pagpupulong ng mga opisyal ng pamahalaan ng iba’t ibang bansa, kinatawan ng mga NGOs, at eksperto mula sa mga bansang pumirma sa United Nations Framework Convention on Climate Change (o UNFCCC). Ang nagdaang COP

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maingat na pananalita

 49,961 total views

 49,961 total views Mga Kapanalig, naaalala pa ba ninyo ang isang public school teacher noon na inaresto ng National Bureau of Investigation (o NBI) dahil sa isang social media post tungkol kay dating Pangulong Duterte? Pabiro kasi siyang nag-alok ng 50 milyong piso para sa sinumang makapapatay sa dating pangulo. Walong araw lamang matapos ang post

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Higit sa simpleng selebrasyon

 41,502 total views

 41,502 total views Mga Kapanalig, Disyembre na!  Magdiriwang na tayo ng Pasko sa loob ng ilang araw, pero bago nito, malamang may mga Christmas party tayong dadaluhan sa ating opisina, organisasyon, o kahit sa ating kapitbahayan. Hindi naman Kristiyanong tradisyon ang mga party na ito, pero naging bahagi na nga ito ng pagdiriwang natin ng Pasko—sayawan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Agri transformation

 43,539 total views

 43,539 total views Ang Pilipinas ay kilala bilang isang agricultural country ngunit ilang dekada na ang problema ng bansa sa food security., Ang agri sector ay may pinakamababang kontribusyon sa gross domestic product (GDP) o ekonomiya ng bansa. Ano ang problema? Sa pag-aaral, ang agricultural sector ng Pilipinas ay hindi umuunlad dahil nahaharap ito sa problema

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong usbong na trabaho para sa Pilipino

 54,568 total views

 54,568 total views Upang maisakatuparan ito Kapanalig, isinabatas ang Green Jobs Act o Republic Act 10771 noon pang taong 2016. Ang green jobs, kapanalig, ay tumutukoy sa mga trabaho na nakakatulong sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalikasan. Kabilang dito ang mga trabaho sa renewable energy, waste management, sustainable agriculture, at iba pang sektor na naglalayong bawasan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Political Mudslinging

 59,341 total views

 59,341 total views Kapanalig, 28-days na lamang ay Pasko na… ito ang dakilang araw ng pagkapanganak sa panginoong Hesus sa sabsaban… panahon ito ng pagmamahalan at pagbibigayan. Sa kristiyanong pamayanan, ang kapaskuhan ay nararapat na banal at masayang paghahanda sa pagdating ng panginoong Hesus… Pero, ang Pilipinas ay nahaharap matinding suliranin… Ngayong 4th quarter ng taong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buksan ang ating puso

 64,808 total views

 64,808 total views Mga Kapanalig, sa pangunguna ng papal charity na Aid to the Church in Need (o ACN), itinalaga ang araw na ito—ang Miyerkules pagkatapos ng Kapistahan ng Kristong Hari bilang Red Wednesday. Araw ito ng pag-alala sa mga Kristiyanong inuusig at pinagmamalupitan dahil sa kanilang pananampalataya. Hindi man ganoon kalaganap ang pang-uusig sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga biktima ng kanilang kalagayan sa buhay

 70,262 total views

 70,262 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, inanunsyo ni Pangulong BBM na makauuwi na ang overseas Filipino worker (o OFW) na si Mary Jane Veloso. Siya na yata ang pinakainaabangang makauwi na OFW mula nang makulong siya sa Indonesia mahigit isang dekada na ang nakalilipas. Noong 2010, nahuli siya sa isang airport sa Indonesia dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tigilan ang karahasan sa kababaihan

 42,184 total views

 42,184 total views Mga Kapanalig, ngayong Nobyembre 25, ipinagdiriwang ang International Day to Eliminate Violence Against Women. Ginugunita ito sa Pilipinas sa bisa ng Republic Act No. 10398. Sa araw na ito, maging mas maláy sana tayo sa pamamayagpag ng iba’t ibang porma ng karahasan laban sa kababaihan. Maraming uri ang violence against women. Ilan sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 60,698 total views

 60,698 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top