Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kasakiman, puno’t-dulo ng kahirapan at pagkasira ng kalikasan

SHARE THE TRUTH

 829 total views

Ito ang binigyang diin ni Lipa Archbishop Ramon Arguelles – Chairman ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs sa paglulunsad ng national campaign na “Piglas Batangas,Piglas Pilipinas! Isang Anti Coal fired Power Plants campaign.

Inihayag ng Arsobispo na dahil sa paglaganap ng kasakiman at kawalang paki-alam sa kapwa ay dumaranas ng magkakaakibat na suliranin ang bansa.

“Sabi ng ating Santo Papa ang dahilan ng kahirapan, dahilan din ng pagsira ng ating kalikasan ay ang kasakiman at tinatawagan tayong lahat to develop it [the environment] and make it even more beautiful as God wants it, at ang higit na makikinabang sa mas magandang kalikasan ay yung mga malapit d’yan, ang mga nagpo-provide sa atin ng pagkain.” Pahayag ni Abp. Arguelles

Hinamon naman ni Archbishop Arguelles ang pamahalaan na huwag itanggi, harapin, at tugunan ang lumalalang epekto ng climate change sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang programang magpapatingkad sa kakayahan ng mga Filipino.

“I think we will solve hunger, poverty, hindi sa pamamagitan ng pagpatay sa hindi pa isinisilang, hindi sa pamamagitan nung industriya na sumisira sa kapaligiran, kundi sa pamamagitan ng pagbibigay ng kakayahan para sa lahat ng tao para maging productive sila in the right way.”Dagdag pa ng Arsobispo

Ang kampanyang “Piglas Batangas! Piglas Pilipinas! Break Free from Fossil Fuels ay inisyatibo ng Lipa Archdiocesan Ministry on Environment na layuning ipasara ang lahat ng Coal Fired Power Plants sa buong bansa at palitan ito ng Renewable energy sources.

Dahil sa 17 Coal Fired Power Plants na kasalukuyang nakatayo sa bansa, lumabas sa ulat ng Center for Global Development na ang Pilipinas ay pang 32 sa limampung mga bansang may pinaka mataas na carbon emission, kung saan naiulat na umabot sa 35,900,000 ang carbon o maruming hangin na ibinubuga ng mga planta sa Pilipinas kada taon.

Sa Encyclical namang Laudato Si, hiniling ng Santo Papa Francisco sa bawat pinuno ng iba’t ibang bansa na palitan ng renewable resources ang Fossil fuels na pinagmumulan ng maruming usok na s’yang nagpapainit sa mundo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 70,736 total views

 70,736 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 102,731 total views

 102,731 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 147,523 total views

 147,523 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 170,494 total views

 170,494 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 185,892 total views

 185,892 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 9,470 total views

 9,470 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 214,873 total views

 214,873 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 158,719 total views

 158,719 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top