413 total views
Iminungkahi ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa mga pari na ipalaganap sa kanilang mga parishioner ang mga inilalabas na pastoral statements para sa halalanng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa pamamagitan ng pagbabahagi nito sa kanilang Homiliya.
Ayon sa obispo, kinakailangan maipalaganap ang mga batayang ito ng Simbahang Katolika sa pagpili ng tamang kandidato ng publiko.
Maliban sa mga parokya, sinabi ni Bishop Bacani na nariyan din ang social media, radyo at telebisyon ng Simbahan gaya ng Radyo Veritas at TV Maria maging ang mga catholic schools bilang paraan para marinig ng mamamayan ang mga tamang batayan.
Inihalimbawa ng obispo ang mga batayang ibinahagi ni Cagayan de Oro archbishop Antonio Ledesma na 5Cs na dapat taglayin ng mga kandidatong iboboto (conscience, competence, compassion, companions at commitment).
“Nakakatulong ang mga pastoral statement na inilalabas tuwing eleksyon, kaya lang kailangan kung may statement ka sa gallng sa itaas, kailangan talaga on the ground ipalaganap yan, tayo ang mgandang method gaya ng Radyo Veritas, TV Maria, mga parokya at eskuwelahaan natin, ngayong panahon na ito merun isang buwan na ipalaganap ang criteria na ito na dapat pagbatayan…” pahayag ni Bishop Bacani sa panayam ng Radyo Veritas.
Kaugnay nito, ayon sa obispo, upang hindi masabi ng mamamayan na namumulitika ang Simbahan, kinakailangan lamang na ipaliwanag sa tao na tungkulin ng mga taong Simbahan na sabihin na ito ang mga katangian ng mga kandidatong dapat na ihalal.
“Sa Homiliya ipaliwanag lang ang mga katangian, tungkulin naman ito na ipakita ang mga katangiang nararapat, alam natin ang mga tao sa Mass Media na-expose sa popularidad, ano namang masama kung i-share mo ito sa kanila, sila ang titingin sino ba talaga ang karapat-dapat ayon sa mga batayan na yan.” Paliwanag pa ng obispo.
Ayon sa Commission on Elections (Comelec), nasa 54.6 milyon ang rehistradong botante ngayong May 2016 elections, mas malaki sa 52 milyon noong 2013.